ni Ambet Nabus
UY, how true kaya ang tsismis mare na kaya daw hindi nagpakita o sumipot siSunshine Cruz sa supposedly custody hearing nila last Monday (March 2) ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano, ay dahil umano sa gusto lang lalo ni Sunshine na inisin ang aktor-direktor?
Ang tsismis ay nasa tabi-tabi lang umano si Shine noong mga oras na ‘yun at pinayuhan ito ng kanyang abogado na huwag nang magpakita sa dapat ay masasaksihan nitong pagpirma ng dating asawa na nagbibigay karapatan dito sa kanilang conjugal properties.
Hindi nga naging maganda ang reaksiyon ng kampo ni Cesar dahil parang ang feeling nila raw ay napaglalaruan sila lalo pa’t may motion umano sa korte si Shine na pagbawalan si Cesar na makipagkita sa tatlo nilang anak?
Nakakaloka lang dahil ang buong akala natin after ngang magbigay ng statement si Cesar on “the lewd act’ issue, ay mauuwi na sa mas maayos na usapan ang lahat.
Kalurkey sa totoo lang!