Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lourdes Duque Baron, nakakabilib na multi-talented artist

030415 Lourdes

00 Alam mo na NonieIBANG klaseng artist si Ms. Lourdes Duque Baron. Bukod kasi sa galing niya sa pagkanta at isang award winning singer/recording artits, isa rin siyang book author. Para makumpleto ang kanyang pagiging multi-ta-lented artist, sumabak na rin siya sa paggawa ng pelikula via the movie Butanding.

Ang mga libro niya ay pinamagatang I called My Self Cassandra at Scripted in Hea-ven. Ito ay mga kuwento ng buhay na kapupulutan ng aral at inspirasyon. Samantalang ang mga album niya ay pinamagatang Feeling Good At Any Age at Table for Two.

Kinilala rin siya sa LA Music Awards last year.

Nga-yong sasabak na siya sa pelikula, ito ay malaking challenge sa kanyang kakayahan. Lalo na at may halong adbokasiya ang pelikulang Butanding, upang mas maintindihan ng marami ang naturang endangered species.

Ang Butanding ay mula sa pamamahala ni Direk Ed Palmos. Bukod kay Ms. Lourdes, ito ay pinabibidahan din nina Lara Quigaman, Rey ‘PJ’ Abellana, Tessie Lagman, Norris John, Nash Marcos, Dhenz, at Miles Manzano.

Ayon kay Direk Ed, may kurot sa puso ang naturang pelikula na tumatalakay sa pamilya at sa world famous Butan-ding, na sa Pilipinas lamang natatagpuan. Si Ms. Lourdes naman ay nagpahayag ng sobrang kagalakan sa first film niya rito sa Pilipinas at sa ga-ling ng kanilang direktor.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …