Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, imbitado kaya sa 18th bday ng anak na si Julia?

ni Timmy Basil

072814 Dennis Padilla Julia marjorie barretto

NAGKUKUMAHOG na ngayon sina Julia Barretto at ang nanay na si Marjorie para maging bongga ang debut ng una sa susunod na buwan.

Isang beses lang mag-debut ang isang babae at nagkataon na nasa showbiz pa si Julia kaya dapat lang na maging bongga at memorableito.

Ang malaking tanong ngayon ay kung darating ba ang tatay ni Julia na si Dennis Padilla?

‘Di ba usually sa isang debut, ang tatay ang first dance ng debutante at saka ito ihahabilin sa kanyang escort pagkatapos nilang magsayaw?

Eh sa kaso nina Dennis at Julia, mukhang hindi pa rin sila nagkakaayos at mukhang lumaki pa ang lamat ng kanilang samaan ng loob noong nakaraang December.

One month pa naman so marami pang puwedeng mangyari. Puwede pang lumambot ang puso ni Julia at ng nanay na si Marjorie.

Maging sa escort ay wala pa raw napili si Julia. Hindi rin daw kasi puwede si Inigo Pascual dahil kasama ito sa 18 roses at magpe-perform ito.

WALANG ESCORT SA DEBUT

Ang sabi, malamang na walang escort si Julia.

Puwede pa. Para consistent.

At least wala siyang first dance with her father, wala rin siyang dance with her escort.

At least hindi masyadong masakit on Dennis’ part, hehehehe.

Anyway, ngayong mag-18 na si Julia, puwede na talaga siyang mag-boyfriend. Ang daming gustong lumigaw kay Julia pero bata pa ngasiya, titingnan natin at tiy ak na malalantad ang mga lalaking gustong manligaw sa dalaga.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …