Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich, bumagsak ang BP dahil sa sobrang stress sa Two Wives

 

112714 Erich

00 fact sheet reggeeKUNG ang viewers ay hate na hate ang karakter ni Erich Gonzales sa seryeng Two Wives ay ganito rin halos ang nararamdaman ng aktres.

Kaya nga dumating ang araw na bumagsak ang katawan niya.

“Kasi umaga pa lang talak na ako ng talak hanggang sa the following morning pa, so 24 hrs ako, sobrang stress, sobrang pressure kaya po bumagsak ang bp ko, buti na lang may medics sa set. May nakaabang talagang ambulansiya sa set,” sabi ni Erich.

Samantala, klinaro ni Erich ang tsikang may something sila ni Daniel Matsunaga kasi nga nakikitang super sweet sila maski na wala sa harap ng kamera.

Hindi naman ito itinanggi ng dalaga, “totoong sweet kami ni Daniel at nag-start ‘yun sa ‘Kris TV’ kasi ‘di ba, pareho kaming naging co-host ni ate Kris pero walang ibig sabihin kasi magkaibigan kami, close talaga, ganito rin naman ako kina Enchong (Dee) at sa ibang nakasama ko.”

Sa tsikang nakita sila sa Grub Restaurant sa may ELJ Building na sweet din.

“Galing kasi kami sa promo tapos nagutom kami, sabay kami talaga nag-dinner (Grub),” paliwanag ng aktres.

Pati raw sa guesting ni Daniel sa AA (Aquino & Abunda Tonight) ay nandoon siya?

“Uy, wala ha! Umalis na ako niyon, hindi naman ako rm (road manager) para bantayan siya,” pagtutuwid ni Erich.

Pero sabi ni Daniel sa AA na gusto ka niyang ligawan, “hypothetical question ‘yun, at sinagot din niya ng hypothetical answer na ganoon nga, naku ate Reggee, ikaw talaga,” tumatawang sabi sa amin ng aktres.

Natanong na rin ang lovelife ni Erich at sabi nga niya ay kuntento na siya sa non-showbiz boyfriend niya na apat na taon.

“Kasi very understanding, very supportive sa career ko, naiintindihan niya lahat ng nangyayari, alam niya na work lang lahat at alam niya na marami pa akong gustong gawin sa career ko, so wait lang siya,” kuwento ng aktres.

Para kay Erich, puwedeng baby muna bago kasal?

“I’m not judging anyone kasi puwede naman talagang mangyari sa akin, pero sana kasal muna bago baby,” katwiran ni Erich.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …