Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cong. Lani Mercado, tiyak na ang pagtakbong mayor sa Bacoor

ni Roland Lerum

021215 Lani Mercado

“SI Bong laging sweet pa rin sa akin. Noong gabi ng February 14, binigyan niya ako ng mahigit isang dosenang red roses. Ito ang first Valentine’s Day namin dito sa kulungan. Walong buwan na si Bong dito,” bida ni Lani sa amin tungkol sa asawang si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr..

Ano O naman ang Valentine’s wish ni Congresswoman Lani Mercado kay Senator Bong?

“Iisa lang. Ang makalabas na sa kulungan ang asawa ko.”

Maganda pa rin si Lani sa tingin namin. Balingkinitan pa rin siya at hindi gaya ng ibang aktres na nag-asawa’t tumaba. At talaga namang napanatili niya ang kanyang ganda kahit marami siyang naging anak.

Nasa utak pa rin niya ang politika dahil tatakbo siyang Mayor ng Bacoor sa 2016.”Mas gusto kong magingMayor dahil direkta akong makatutulong sa mga tao.”

Pero minsan, nabanggit ni Sen. Bong na gusto niyang tumakbo si Lani sa Senado para ma-test kung ano ang pakiramdam ng isang senador tungkol sa kanya.

“Naku, dapat siguro, he should make up his mind. Sa nangyayari ngayon sa Senado, naguguluhan ako. Nararamdaman ko naman sa mga tao na mahal pa rin nila si Bong hanggang ngayon.

“At saka para naman akong walang sariling salita kung hindi ko itutuloy ang pagka-Mayor ko.”

Si Mayor Strike Revilla ang nanunungkulan ngayon sa Bacoor, Cavite. Magpapalit sila ng posisyon ni Lani sa 2016.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …