Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tampuhan nina Coco Martin at Nora Aunor, natuldukan na

022315 coco martin nora

00 Alam mo na NonieMASASABING kung anomang tampuhan ang namagitan kina Coco Martin at Nora Aunor, ito ay natuldukan na sa awards night ng 13th Gawad Tanglaw.

Kapwa nandoon sa naturang event sina Coco at Nora bilang awardee. Si Coco bilang Best Actor para sa TV series na Ikaw Lamang. Samantalang ang Superstar ang Best Actress naman para sa pelikulang Dementia.

Si Coco ang gumawa ng first move at lumapit sa Superstar upang batiin ito.

Matatandaan na napabalitang nagkaroon sila ng gap noon habang ginagawa ang pelikulang Padre de Familia na isa sa producer si Coco.

Sinabi ni Coco na natuwa siya sa pangyayari na nagkita at nagyakap sila ni Nora.

“Hindi ko po makakalimutan ang pakikipagtrabaho sa kanya. Napakasaya po namin sa set, napaka-maalaga niya. Masaya siyang kasama, marami kaming natututunan.

“Ang ‘di ko maintindihan, may mga tao na nagsasalita ng hindi maganda na nakaka-apekto sa magandang samahan. Pero ngayon po maayos na kami,” saad pa ng aktor.

Sa parte naman ng premyadong aktres, nagpahiwatig siya ng kagalakan sa nangyari. “Iyong pakiramdam na umalis ang anak mo at matagal mong hindi nakita. Tapos bumalik sa iyo matapos ang matagal na panahon. Ganoon po ang nararamdaman ko.”

Inengganyo rin niya si Coco na patuloy ma mag-produce ng pelikula. “Sana ituloy-tuloy niya ang pagpo-produce ng magagandang mga pelikula at malaki rin ang respeto ko sa kanya bilang artista. Naramdaman ko na malaki ang pagmamahal niya sa trabahong ito.”

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …