Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, makikipagtukaan sa ibang partner!

121014 sarah matteo (2)

00 Alam mo na NoniePOSIBLENG magkaroon ng kissing scene sa ibang partners ang magkasintahang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Si Matteo ay napapanood sa kasalukuyan sa TV series na Inday Bote sa ABS CBN. Siya ang leading man ng bida ritong si Alex Gonzaga.

Sa panig naman ni Sarah, ang matagal nang planong pelikula nila ni Piolo Pascual para sa Star Cinema, finally ay ma-tutuloy na rin.

Nang usisain si Piolo kung may kissing scene ba sila ni Sarah sa pelikulang nakatakda nilang gawin very soon, sinabi niyang okay lang daw ito sa kanya.

“Ako, okay lang. Okay lang naman sa magulang ko, okay lang sa anak ko,” pabirong saad ni Piolo.

Nang tanungin pa ang Kapamilya star kung dapat pa ba siyang magpa-alam kay Matteo, sinabi niyang kaibigan naman niya ang huli. Pero sila raw ay nasa tamang edad na para magpaalam pa kung ito ay parte naman ng kanilang trabaho.

Ayon naman kay Matteo, hindi raw siya sure kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Alex sa Inday Bote. Pero, okay lang daw sa kanya na magkaroon ng kissing scene with Alex, kung kailangan.

“I would say if the story, it really depends on the story.”

Idinagdag pa ng aktor na hindi siya nag-aalala n amagkaroon ng negatibong reaction dito si Sarah kung sakali, dahil daw professional naman ang kanyang girlfriend.

Well, trabaho lang ito para sa mga naturang artista. But at the same time, hindi natin masisisi ang kanilang mga idolo pagdating sa mga bagay na ito. Kaya hindi ako magtataka kung mamatyagan talaga ng Popsters ni Sarah sina Matteo at Alex. Ganoon kasi kamahal ng Pops-ters ang idolo nilang si Sarah.

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …