Monday , December 23 2024

Jayson, muling napakinabangan ang talent sa pagho-host

022015 jayson gainza

00 fact sheet reggeeIPINAKILALA ang bagong travel show ng ABS-CBN Sports and Action na mapapanood tuwing Sabado, 6:30-7:00 a.m. na may titulong Kool Trip, Backpackers Edition.

Kasama na si Jayson Gainza sa programa with the original hosts na sina 3rd District Negros Occidental Representative Alfredo ‘Albee’ Benitez at Ms Marjorie Cornillez.

Masaya si Jayson dahil may bago na naman daw show at kaya raw siya bine-bless parati ay dahil mabait siya at hindi siya namimili ng gagawin.

“Sinusuwerte lang po siguro kaya may mga trabaho. Sobrang thankful ako na kahit sa hosting, hindi rin talaga ako nababakante,” sabi ng komedyante.

Wala ka rin namang mairereklamo kay Jayson dahil simula nang madiskubre siya sa Pinoy Big Brother Edition Season 1 ay walang narinig o nabalitaang negatibo sa kanya kaya naman sa mga kasabayan niyang galing sa reality show ng ABS-CBN ay iilan na lang silang aktibo.

Ang isa sa naisip ni Jayson kung bakit siya kinuhang co-host sa Kool Trip Backpackers Edition ay dahil napanood siya rati sa travel show din na Trip na Trip kasama naman ang kapwa niya PBB na si Franzen Fajardo, Uma Khouny, at si Katherine de Castro na siyang producer ng programa mula sa Bayan Productions.

“Doon po talaga nadagdagan ang confidence ko sa paghu-host. Wala naman talaga akong alam dati, pero unti-unti kong natutuhan ang craft hanggang naging komportable na rin ako sa ginagawa ko,” pahayag ng TV host/comedian.

Napaka-professional pa ni Jayson dahil maaga siyang dumarating sa set at hindi raw niya type ang lumalagare lalo na kung magkakalayo dahil mahirap at ayaw niyang mag-suffer ang trabaho niya.

At sa nasabing launching ay ipinakita ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas kung ano ang puwede mong puntahan sa murang halaga lang na mapapanood sa Kool Trip Backpackers Edition.

Sa unang season ay dinalaw nila ang Albay, Bicol, Caliraya, at Cavinti, Laguna, Fort Ilocandia sa Ilocos Norte, Pagudpod sa Ilocos Sur, Baler, Quezon at Sagada.

Mapapanood naman sa Pebrero 28 ang magandang lugar ng Coron, Palawan na ang magdidirehe ay ang aktor na si Albert Martinez. Susunod nilang pupuntahan ang Oriental Mindoro, Cagayan Valley, Mindanao, at Visayas region.

Speaking of Congressman Benitez, nabanggit niya kung papipiliin siya ay mas gusto na lang niyang maging host ng Kool Trip kapag wala na siya sa politika, pero aniya, “tatapusin ko po ang term ko bilang congressman, bale last term ko na po kapag tumakbo ako sa 2016.”

Hmm, bongga kasi ang exposure ng Kool Trip Backpackers Edition kay Rep. Albee para sa kandidatura niya sa darating na taon at tamang-tama dahil 2 seasons ang programa kaya matatapos pa niya ito bago siya magbakasyon ng Nobyembre 2015.

Ang Kool Trip Backpackers Edition ay produced ng AMT Recreation Hauz and Multimedia Services Co. na pag-aari mismo ni Congressman Benitez.

 

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *