Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sophie at Vin, ‘di muna magkasama sa kani-kanilang project

 

ni Roldan Castro

021815 Sophie Albert Vin Abrenica

TANGGAP nina Sophie Albert at Vin Abrenica ang paghihiwalay nila. Hindi sila magka-partner sa Wattpad Presents ng TV5. Mula noong February 16 to 20 ay makakatambal ni Sophie si Ahron Villena sa Wattpad Presents Cupid’s Fools.

Sa March 9 hanggang 13 episode naman ay tampok sina Vin at Yassi Pressman para sa Wattpad Presents My Fiance Since Birth bilang pang-huling istorya sa Season 2 ng Wattpad.

Hindi issue sa kanila na magkaiba ang ka-partner nila.

“Kami ‘yung couple na wala lang . Artista kasi kami kaya kung ano ang role na ibigay sa amin, wala na ‘yung sana si Sophie ang ka-parter ko. Pero siyempre, mas masaya kung tatanungin mo ako na magkasama kami. Iba ‘yun siyempre. Isipin mo ‘yung para magkasama kami sa buong araw ng taping, para lang kaming nagba-bonding, nagti-taping lang, why not,” reaksiyon ni Vin.

Noong Valetine’s Day ay pareho silang may trabaho sa Marikina para sa marathon ng Wattpad pero after niyon ay dumiretso sila out of town. Pangalawang taon na raw silang magkasama sa Araw ng Mga Puso. Basta, may inihanda raw siya na matagal na. Naniniwala siya sa effort, wala raw sa ibibigay na Ipad kundi kung ano ang kayang gawin ng isang lalaki para mapasaya ang isang babae.

Kumusta naman ang Kuya Aljur (Abrenica) niya?

“Hindi naman talaga totally ano…titigil na sa showbiz si Kuya Aljur.

“Kasi napamahal na rin sa kanya ang showbiz kaya I’m sure na magtutuloy-tuloy pa rin siya sa kanyang career. And I’m happy to know na ano…magbabalik na nga siya ulit after na kahit paano ay mapahinga siya,” pakli ng binata.

Tsuk!

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …