Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, pinababalik na ni Ms. Charo (Aga, babalik din ng ABS-CBN)


021315 Charo Santos sharon aga

00 fact sheet reggeeDARAGDAGAN namin ang nasulat ng katotong Nonie Nicasio rito sa Hataw na babalik na ng ABS-CBN si Ms Sharon Cuneta base sa panayam niya kay KC Concepcion.

Yes Ateng Maricris, si ABS-CBN President, Ms Charo Santos-Concio Raw ang nag-udyok kay Megastar na bumalik na sa nasabing network basta’t magbawas siya ng timbang.

Sa burol daw ni Mommy Elaine Cuneta nag-usap sina Ma’am Charo at Sharon hanggang sa nagsabi ang aktres na gusto nga raw niyang magbalik telebisyon na sinang-ayunan naman ng bossing ng ABS-CBN.

Kaya pala biglang nagdesisyon si Mega na magpapayat nang husto para bonggacious ang pagbabalik niya sa ABS-CBN at habang ginagawa niya ito ay inihahanda na rin ang projects nito at isa na nga raw ang musical variety show na gustong-gusto ni Sharon.

Plano rin daw muling magbalik recording si Sharon na ito naman din talaga ang first love niya.

Samantala, nabanggit din sa amin ng aming source na lahat ng malalaking artistang lumipat sa ibang network ay pinababalik na ni Ms Charo, ”lahat ng big stars ng ABS-CBN na lumipat sa ibang network ay bumabalik na, siguro gusto ni ma’am Charo bago siya magretiro, balik-ABS-CBN na lahat ng artistang nag-umpisa o nakilala sa kanila,”sabi ng aming source.

Tulad daw ni Derek Ramsay na kasalukuyang gumagawa ngayon ng pelikula mula sa Cinebro Films under Star Cinema na idinidirehe ni Toto Natividad na may titulongCrocodile Hunting.

Bagamat contract star ng TV5 si Derek dahil muli siyang nag-renew kamakailan ay puwede naman siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Ayon nga sa official statement ni Derek, ”’am very happy to have the opportunity to work again with ABS-CBN through Star Cinema. I am always consistent in saying that the network played a big part in making who I am today as an actor. I know that with the renewed relationship with my manager, and me not only good things but also bigger and better things will come. Salamat kay Sir Gabby (Lopez), Ma’am Charo (Santos-Concio), Ma’am Malou ( Santos ) and Tita Cory (Vidanes), and the whole Channel 2 family, for opening their doors to us again. God bless their good hearts. I am grateful, salamat talaga!”

Ang Cinebro Films ay pinamamahalaan nina Ma’am Charo, Ma’am Malou Santos, at direk Toto.

Isa na rin si Aga Muhlach sa babalik, nagpapapayat lang din daw para handa na sa movie project nila ni Lea Salonga.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …