Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liwanag sa Dilim, malaking challenge kay Direk Richard

ni Letty G. Celi

021115 liwanag sa dilim

HINDI true to life story ang action movie adventure na Liwanag sa Dilim ng APT Entertainment na pinaka-biggest project nina Jake Vargas at Bea Binene.

Bale, pangatlong pelikula na nila ito at parang pinagtiyap naman dahil ang direktor nito’y Richard Somes, pangatlong pelikulang may aswang adventure tulad ng dalawang naunang movies niyang, Corazon, Ang Unang Aswang, at Aswang noong 2005.

Parang trial movie lang ang ginawa ni Direk Richard kasi raw, hindi gumagawa masyado ng ganitong klase ng mga horror film ang mga producer. So, na-challenge si Direk Richard nang alukin siya ng isang producer na gumawa sila ng aswang movie at nag-klik naman sa mga moviegoer kaya nasapul ang ibang producers. Simula noon, marami na ring nag-produce ng pelikulang katatakutan especially ang Regal Films and now, ang APT Entertainment.

Ang Liwanag sa Dilim ay big challenge rin kay Direk Richard lalo na’t mga bagets ang mga lead star niya. Pero na-shock daw siya kina Bea at Jake dahil hindi raw siya nito binigyan ng sakit ng ulo. Kasama rin ang ibang artista tulad nina Igi Boy Flores na isang Star Cinema talent, Rico Blanco na siya ring composer ng theme song ng pelikula, Julian Trono, ang napakagandang si Sarah Lahbati, of course, ang mga professional na sina Sunshine Cruz at mga still good looking guys, sina Dante Rivero at Freddie Webb.

Tulad ng nasabi namin, hindi true to life story nina Jake at Bea ang Liwanag sa Dilim. dahil sa ginanap na presscon recently, sila ang may pinakamaraming tanong sa entertainment press tungkol sa kanilang relasyon. Nag-split na ba sila? Kasi, balitang-balita namang may namamagitan between them. Ibig sabihin, nabuo na ang isang tunay na pag-ibig at open naman ito in public. Pero, kung sa shooting ng Liwanag sa Dilim, hindi na sila sweet gaya ng dati, kumbaga tapos na ang love relation nila. Sabi pa, kapag nagte-take na ng kanilang eksena, at saka lang sila nag-uusap. Tapos sa presscon, halata mo pa na hindi na nga sila masyadong close. Hindi sila nag-uusap, laging nag-iiwasan.

Aba, alam naman ninyong hindi ka tatantanan ng press, hahalukayin ka, pipigain ka para makakalap ng mga kasagutan sa kanilang tanong. Pero, mukhang napaghandaan nila ang mga isasagot. Okay pa rin naman daw ang relasyon nila. Ganoon!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …