Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kung ayaw mo sa akin, ako na lang ang tirahin n’yo! — Jasmine

ni Roldan Castro

021115 Jasmine Curtis Smith

NAKAKABASA pa rin tayo sa social media ng pagba-bash kay Jasmine Smith-Curtis dahil sa pagkakasangkot niya sa Daniel Padilla audio scandal. Dumating nga sa point na ang sister niyang si Anne Curtis ang sumasagot at nag-rescue sa kanya sa social media.

“I think it’s unfortunate kasi Bagong Taon na. I hope na sana magbago ang ihip ng hangin. Siguro mas natatagalan lang sila in how to move-on pero okey lang ‘yun kasi…wala, eh, hindi ko na rin iniintindi kasi nakaka-ano lang kapag masyado mong ina-absorb ‘yung mga negative comment, negative tweets to you, sisirain mo lang ang araw mo. Parang bahala kayo. Hindi ko naman pinapalaki ‘yung isyu,” reaksIyon ni Jasmine nang makatsikahan siya sa presscon ng Wattpad Presents: A House Full of Hunks.

Offensive para sa kanya ‘yung panghuhusga ng mga basher pero may mga tao raw talaga na ayaw sa kanya kaya okey lang. Kapag dumating na sa point na pamilya na niya ang sangkot ay doon na siya papalag.

“Kung ayaw mo sa akin, ako na lang tirahin mo, ‘di ba? ‘Wag na pati pamilya pa,”deklara niya.

Hindi naman daw siya na-trauma sa Daniel Padilla scandal pero naging aware lang siya kung ano ang perception ng ibang tao sa friendship at mapanatili ‘yung trust ng audience at makita nila na inosente siya sa sitwasyon.

Pak!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …