AKALA ng entertainment press na dumalo sa ASAP 20 presscon ay darating si Dayanara Torres dahil sa teaser kasi ay ipinakita na may malaking selebrasyong mangyayari at isa na nga ang dating beauty queen sa madalas na ipakita.
Kaagad naman itong itinanggi ng business unit head ng ASAP 20 na si Ms Joyce Liquicia, “unfortunately, she (Dayanarra) answered last week lang, we’ve been trying to get in touch with her last year pa when we were in LA (Los Angeles-for a show), we were hoping na we can go there kasi she’s based in LA, kaya lang nagpalit siya ng manager.
“So ‘yung manager na kausap namin biglang nawala tapos last week lang sumagot si Dayanarra and she has a lot things to do and she want to be part of it (‘ASAP 20’ celebration) kaya lang masyado na raw tight ‘yung schedule. So, we prepare something na lang for the anniversary (mapapanood sa Pebrero 22).”
Noong Pebrero 5 pa pala ang anibersaryo ng ASAP at sa Mall of Asia Arena ang malaking selebrasyon nila na mangyayari sa Pebrero 22 ng live at Marso 1 pre-tape na, “pero sa arena, tuloy-tuloy ang show, hahatiin lang into two (2) parts,” sabi ng executive producer ng show na si Ms Apples Salas-Segubience.
Apat na taon palang executive producer ng ASAP si Ms Apples at naalala niya na sa unang buwan palang niyang pagiging EP ay natikman na niya ang biggest challenge sa buhay niya.
“Kasi po 2011 ‘yun, dinala namin ang ‘ASAP’ sa Davao to reach the masa, eh, isang buwan pa lang ako bilang EP. At that time, sobrang lakas ng ulan, kaya ang tanong, itutuloy ba namin ang show o hindi?
“Pero siyempre it’s a teamwork so itinuloy namin para sa Kapamilya natin sa Davao kasi ‘yung mga tao nandoon at as early as 6:00 a.m. nasa venue na sila kaya nakatutuwa kasi ang aga nilang nakapila.
“Nagpe-perform ang mga artista namin naka-raincoat, naka-payong to reach out sa mga Davaoenos sobrang overwhelmed na kami na ‘yung pagtitiyaga nila na mapanood ang stars namin kaya pinaghandaan talaga namin ang show,” masayang kuwento sa amin ng TV executive.
Kung may challenges ay may memorable moments naman daw si Ms Apples sa show, “sa tuwing mag-a-out of the country po kami kasi iyon po ‘yung pinaka-bonding moments naming lahat ng artista/staff, at saka ‘yung mga nasa abroad, we get to reach out din po sa kanila, lalo na OFW kasi kapag naririnig mo ‘yung kuwento ng buhay ng mga OFW, ang sarap gumawa ng show para sa kanila.
“’Yung makita nila ang artista na maski hindi pa nagpe-perform, sobrang saya nila, ibang klase ‘yung saya na nararamdaman nila.”
ni Reggee Bonoan