Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai delas Alas, bibigyang ayuda ang sugatang SAF members

013015 ai ai delas alas

00 Alam mo na NonieAMINADO si Ai Ai delas na halos mapa-iyak siya nang nagpunta sa burol ng mga bayaning Special Action Forces na nasawi sa pakikipaglaban sa Mamasapano, Maguindano.

Ayon sa komedyana, nakita niya personally ang hinagpis ng pamilya ng mga naulila nang nagpunta siya roon at siya mismo ay muntik din daw mapa-iyak.

“Pinigil ko, kasi, ayaw ko namang makita (nila) na umiiyak ako. Kailangan ay tough ako para hindi sila mahawa,” saad ng komedyana.

“Mayroon kasi akong pamangkin na pulis. Kaya medyo may pain din ako. Whatifisaroonang pamangkinko?Ma-lungkot…” Dagdag pa niya.

Bilang suporta sa mga bayaning SAF members, part ng kikitain sa Valentine concert niyang Ai Heart Papa na gaganapin sa Solaire Resorts and Casino theater sa February 12 ay ido-donate raw niya sa 11 SAF members na nakaligtas ngunit nasugatan sa naturang engkuwentro.

“Iyong 15 percent ng kikitain ko, yung akin ha, kasi co-producer ako, ibibigay ko sa mga nasugatan,” saad ni Ai Ai na idinagdag pang plano rin niyang bisitahin ang 11 kasamahan ng Fallen 44 sa PNP General Hospital sa Camp Crame.

Ipinahayag pa ni Ai Ai na nasabihan daw siya ng kanyang mga dating police escorts na marami nang tumutulong financial sa Fallen 44, kaya minarapat niyang bigyang ayuda ang 11 SAF members na nasugatan sa engkuwentro sa Mamasapano.

“Kaya naisip ko roon na lang muna ako sa natirang nasugatan. Eleven sila, e. Titignan ko kung 11 talaga para alam ko kung magkano ibibigay ko sa kanila each.

“Para makita ko rin, para ma-identify ko kung sino talaga sila. Eleven-eleven (11/11) ang birthday ko, iyong mga nasugatan na natira 11. It’s a sign na siguro, dapat dito ko siguro ibibigay iyong financial aid ko.”

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …