Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, binanatan ng netizens sa pagpuna sa speech ni PNoy

jake ejercito

00 fact sheet reggeeSA usaping Jake Ejercito ay sunud-sunod din ang bash sa kanya ng mga sumusuporta kay PNoy sa post niyang, ”I’ll give up on life if PNoy mentions his parents again.”

Lahat kasi ng speeches ni Presidente Noynoy Aquino ay parati niyang ipinagmamalaki ang magulang niyang sina Senator Benigno Aquino at dating Presidente Corazon Aquino dahil proud siya bilang anak na hindi siguro tanggap ni Jake.

Sa post na ito ni Jake ay nakatikim siya ng hindi magagandang salita mula sa netizens, bagamat may mga umaayon din naman sa kanya, pero mas nakararami ang galit sa ginawa niya.

Below the belt ang mga komento sa kanya ng netizens na nadamay pa ang tatay niya at ang pagkatao ni Jake.

Sabi pa ng netizens, bakit daw silang magkapatid (Jerika) ay kung ano-ano ang sinasabi samantalang ang ibang mga anak daw ni Mayor Erap na sina Senators Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Jackie, at Jude ay wala naman daw ipino-post laban sa magkapatid na Aquino?

Nakuwestiyon tuloy kung nagbabayad ba sila ng tax at nabanggit pa na ang ginagastos daw ng magkapatid ay galing sa taumbayan lalo na si Jake na walang ginawa kundi mag-party ng mag-party.

Oo nga, hindi ba talaga busy si Jake?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …