Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristeta, hinamon sa isang live debate ng isang PR lady

ni Alex Brosas

020515 kris aquino

LAUGH kami ng laugh nang hamunin ng isang PR lady sa live debate si Kris Aquino.

Apparently, imbiyernang-imbiyerna ang media personality sa recent statement ni Kris na, ”I have to endure from those who have the ability to post but not the will to do actual good.”

Mataray naman ang sagot ng PR lady, ”And WHAT HAVE YOU DONE? I dare you to a live debate gurl!!!# NasaanAngPangulo.”

Hindi namin alam kung gimik lang ito ng PR lady o hindi. Hindi rin namin alam kung nagpapapansin lang siya kay Kris dahil mukhang hindi naman siya nito kakilala talaga.

Yes, Kris, you have to endure ‘yung collective lait ng mga tao sa social media sa kapatid mo. In the first place, kung hindi naman palpak ang brother-president mo sa pagkubkob sa isang lugar sa Maguindanao ay hindi naman siya babatikusin ng netizens. Ganoon talaga ang mangyayari lalo pa’t 44 SAF member ang napatay sa engkuwentro.

Isa pa, hindi ikaw ang dapat nagtatanggol sa kapatid mo, Kris. Nasa tamang edad na ang brother mo, lalaki pa naman pero parang hindi pa rin marunong mag-handle ng issue sa kanya. Don’t parry off the blows of the people na galit na galit sa brother mo.

As to the PR lady, kahit na anong gawin mo ay tiyak na hindi ka papatulan ni Kris dahil hindi ka naman sikat.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …