ni Ronnie Carrasco III
PATUNAY na hindi gaanong well-received ang pagdalaw ni Kris Aquino sa burol ng mga nasawing SAF troopers na ang cold shoulder treatment evidenced with the way the bereaved families behaved upon her arrival.
Hindi namin kinukuwestiyon ang sensiridad ng ginawa ni Kris, we could sense her good intentions. Pero ang pagtatanong muna niya sa kanyang kuya at Pangulong Noynoy if it was okay for her to go and visit the wake at Camp Bagong Diwa in Taguig City, malinaw na kahit mismo si Kris ay alangan sa kanyang gagawin.
Ang matabang na pagsalubong kay Kris sa burol was not about her, or any of her sisters na nagpunta rin doon.
The public apathy is all about the Aquino administration. Nagkapatong-patong na kasi ang mga kapalpakan sa pamunuan ni P-Noy, and the bureaucratic smell is simply stinking worse each day.
Kung may maganda mang idunulot ang pagkasawi ng 44 miyembro ng SAF, sa isang iglap ay bumawi ang pulisya in terms of public perception of their image.