Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

William Martinez, masama ang loob sa mga kaibigan sa showbiz

013015 William Martinez

00 Alam mo na Nonie“Ang mga tao, kapag nalaman na na-stroke ka, akala nila ay useless ka na. Ang pagkaka-alam ng mga tao, imbalido na ako. Kaya nagtago na lang ako ng ilang years,” ito ang naging pahayag ni William Martinez nang makapanayam namin sa studio ng TV5.

Sinabi ni William na nag-iba ang pananaw sa kanya ng mga tao nang na-stroke siya noong November 21, 2010.

“Nagtago lang ako sa bahay, hindi ako lumalabas ng bahay. Ang bumibista sa akin doon, mga anak ko… Tapos si Gabby (Concepcion), kami lang dalawa ang nagko-communicate all the time, textsan kami ng textsan.

“Parang self-exile ako. Ang ginawa ko noong 2013, nagpahaba ako ng buhok at nagbalbas sarado ako.

“Anyways, when my Mom died, sinabihan niya kasi ako na mag-ahit bago siya namatay, pero ayaw ko pa noong gawin iyon. Kaya after Christmas, dinalaw ko siya sa sementeryo at ipinakita ko sa kanya ang bago kong itsura,” saad ng ex-husband ni Yayo Aguila.

Kuwento pa ni William, “Four years akong nag-isip, na kapag gumagawa ako ng seryoso, tumatawa ang mga tao. So, bakit, e, serysoso ako e?

“So naisip ko, na pagbalik ko, dapat ay seryoso na lahat. Ayaw ko nang mag-comedy, gusto ko kung lalabas ako ulit, drama na.”

Sa tagal mo sa showbiz, may instance ba na nagsisi ka dahil nag-showbiz ka?

“Ang pinagsisihan ko ay isang bagay, kasi, when I start sa industry… ang akala ko ang lahat ng tao ay katulad ko.

“Ako kasi, ang mind ko at heart ay pure, hindi ako nag-iisip ng masama sa kapwa ko, never. Halos lahat kasi, lahat tinutulungan ko. Like for example si Richard (Gomez), iyong dati iyan sinamahan ko.

Si Joey (Marquez) sinamahan ko, tinulungan ko lahat.

“So noong tumagal, noong nagkapangalan na lahat, iba na ang mundo. So sabi ko, ‘Ano ba ito?’

“Kasi ako ugali ko kasi, kapag tinulungan ako, tutulong din ako. Akala ko kasi ang lahat ng tao… Kasi galing ako sa seminaryo noon, ang turo kasi ng Diyos, kapag tinulungan ka, tumulong ka rin.

“The same way na, hindi ba, kapag nadapa ka at itinayo ka, magpatayo ka rin. Ganoon ako e.”

Sinabi rin niya na si Gabby Concepcion ang totoong tao sa showbiz at isang tunay na kaibigan talaga.

“Oo, totoong friend talaga si Gabby. Kaya ako natutuwa kay Gabby, kasi sa nangyari sa akin, andyan siya, e. ‘Pare halika, bubuhatin kita roon, samahan kita roon.’ Ganoon siya, e.

“So si Gabby, kaibigan ta-laga. Kasi ang ibang kaibigan, nandiyan lang kapag nakikita ka. Kunwari ay ‘Hi,’Pero pag-uwi mo ay wala na.

“Si Gabby, sumusuporta sa akin emotionally at financially.”

So, noong na-stroke ka, nalaman mo na ang mga kaibi-gang akala mo ay hindi pala kaibigan talaga?

“Yap, true. Iyong mga kaibigan ko na araw-araw ay kasama ko, pinupuntahana ko kapag tumatawag sa akin. Pero noong nagkasakit ako, hindi ko man lang nakita ang mukha.

“Kaya nag-decide ako na lumayo sa industriya noon, ayaw ko na. Kasi nade-depress ako sa industriya. Ang dami kong kaibigan talaga, na lahat ay mahal ko. Pero noong nagkasakit ako, ni ha ni ho, wala akong nabalitaan sa kanila.”

Naging resource person si William sa bagong TV program nina Gelli de Belen, Arnel Ignacio, at Atty. Mel Sta. Maria sa TV5 na may titulong Solved Na Solved. Napapanood ito tuwing 11:30 am, Lunes hanggang Bi-yernes.

Ang naturang episode ni William ay mapapanood sa February 9. Ang topic dito ay tungkol sa drug addiction. Nagkuwento siya ng experience niya noon sa drugs at kung paano siya naka-recover dito. Nagpayo rin siya rito sa mga magulang na may problema tungkol sa anak nilang adik .

 

ni Nonie V.Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …