ni Ambet Nabus
RAMDAM naman namin ang saya at kakaibang aura ni Erik Santos matapos ang tinatawag niyang greatest performance of his singing career noong kumanta siya ng Responsorial Psalm sa naging huling misa ni Pope Francis sa atin.
Kahit sanay na sanay na nga ang singer sa mga live performances at ilang milyon na rin ang nakaka-appreciate ng husay niya, siyempre ay iba pa rin yung live talaga na kakanta ka kasama ang mahigit na anim na milyong mananampalataya.
Proud na proud si Erik sa ibinahaging mga regalo sa kanya ni Pope Francis at pangako niyang lagi itong isusuot lalo na ‘yung kuwintas na may pendant na krus.
Sana nga ay lalo pang magdulot ng magagandang bagay sa personal na buhay at karir ni Erik ang naturang mga biyaya mula sa isang taong banal.