NAGULAT kami sa tsimis tungkol sa isang baguhang young male actor. Ang tsismis kasi, may ka-live in na raw pala iyon at dahil baguhan pa lang at wala pa namang masyadong assignments na malalaking nakukuha mula sa kanyang network, na sinasabi namang nagtitipid din ngayon, kailangan niyang gumawa ng “ibang sideline”. Kasi kung hindi paano nga naman siya mabubuhay at paano rin niyang pananagutan ang kanyang ka-live in.
Madalas siyang makita sa kung saan-saang watering holes kung gabi, na unlikely talaga dahil bata pa siya. Obvious na naghahanap ng “ibang hanapbuhay”. Kawawa naman ang mga batang nagiging ganyan ang buhay.