Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi at Jake, kinabog ang KathNiel sa lakas ng chemistry

ni Alex Brosas

011315 kathniel andi jake

ANG hula ng marami, malamang mauwi sa balikan sina Andi Eigenmann and Jake Ejercito.

Kahit kasi magkaaway ang dalawa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpapalitan nila ng mensahe na lumalabas sa isang popular website.

Ang feeling ng ilan. nagpapapansin si Jake nang hanapin niya si Andi. Nakasalubong kasi ni Jake si Max at kaagad itong nag-message kay Andi asking kung nasaan siya.

“Bakit ang plastic mo?” ang sagot ni Andi sa binata ni Mayor Erap Estrada.

Hindi rin ma-take ni Andi ang ginamit na term ni Jake, ang “bump” nang makita nito si Max kaya naman sinabi niyang “Valkyrie is your home”.

Ang Valkyrie ay isang sosyal na bar sa The Fort.

Marami ang kinilig, marami ang nag-wish na magkabalikan ang dalawa.

“Ipagdarasal ko talaga magkabalikan ‘tong dalawa na ‘to.”

“Panay pa ron ang like ni jake sa mga post ni andi sa IG pag yung anak ni andi nasa pic! Nararamdaman ko na ang pagbabalik!”

“first serious true love never dies. d’þ love their love story. hahaha. kilig, tagos sa puso!”

“Kabog ang kathniel sa lakas ng chemistry ng dalawang ito. Kahit pa they made a spectacle sa harap ng public, people still want them together. AndiJake forever please!”

‘Yan ay ilan lang sa mga comment na nabasa namin sa isang popular website.

We felt, too, na magkakabalikan ang dalawa. It will take some time pero we’re quite certain na mahal pa rin nila ang isa’t isa.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …