Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ama ni Liza, hinangaan ang pagiging tatay ni Aiza sa apo

ni Pilar Mateo

081314 aiza liza

A father’s heart!

Mapapagkamalan mo ngang si Al Tantay ang guwapong ama ni Liza Diño, ang happy bride ni Aiza Seguerra nang makausap namin sa symbolic union nila na ginanap sa Parasol Resort ng Kota Keluarga sa San Juan, Batangas kamakailan.

Natutuwa si Sir Martin dahil kahit hindi sila nakadalo sa pag-iisang dibdib ng dalawa sa Amerika last year, nag-effort pa rin daw ang couple na magsama-sama ang mismong pamilya at mga kaibigan nila rito.

Hindi maiwasan na hindi maiyak ng mga bisita sa nasaksihang mga eksenang pinangasiwaan ni Minister Carelle Mangaliag.

Naiyak pa kami lalo sa sayaw.ng mag-ama.

Nabanggit din kasi ni Sir Martin sa tsikahan naming by the beach na aware naman siya sa mga basher ng couple. Pero mukhang tumigil na naman daw noong malaman ng iba na siya ang ama ni Liza.

Ang sa kanya naman daw eh, ang maging maligaya sa buhay nito ang kanyang anak at apo!

Naka-pogi points si Aiza kay Sir Martin (ng VACC) ng ilang beses nitong masaksihan ang pagganap ni Aiza bilang ama sa anak ni Liza.

“Hindi ko kasi inakala na isang artistang gaya niya, siya pa ang maghahatid-sundo sa bata sa school. Pwedeng driver na lang ‘di ba? At saka nirespeto ko siyang lalo noong sabihin niya sa akin na ang future ng mag-ina ang focus niya. Hindi para sa kanya o para sa kanila lang ni Liza. Para rin sa apo ko. Bihira na ang lalaking magsasabi ng ganyan.”

May partisipasyon din ang adobo sa lovestory ng couple na nalaman ng lahat sa kanilang best day ever. Na siyang inihanda as in iniluto mismo ni Liza at siyang ipinamigay sa kanilang mga ninong at ninang.

One awesome union. Nagkakilala. Naghiwalay ng landas. Nagkitang muli. At bumuo ng panibagong love story. Ang beauty queen. Ang acoustic diva . Oooops hindi na diva. Serendipity. Whatever they want to—destiny played its part to make two less people in the world to continue with their journey!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …