NANGUNGUNANG TV network ang ABS-CBN sa buong taon ng 2014 dahil mas maraming kabahayan ang tumutok sa mga programa nito lalo na pagdating sa pinakamahalagang timeblock, ang primetime block—6:00 p.m.-12MN.
Ayon sa datos ng Kantar Media mula Enero hanggang Disyembre 2014 ay nagtamo ang Kapamilya Network ng total day (6:00 a.m. to 12MN) average national audience share na 44%.
Hind lang ‘yan. Lahat pa ng puwesto sa listahan ng 20 na pinakapinanonpod na programa sa buong bansa sa katatapos lang na taon ay hinakot ng ABS-CBN. Pinangunahan ito ng Twitter-trending singing reality show na The Voice Kids na may average national TV rating na 34.5%.
Pagdating naman sa balita, nananatiling pinakasinusubaybayan ang top 11 na TV Patrol dahil sa average national TV rating of 27%.
Kabilang pa sa top 20 programs noong 2014 ang Honesto (31.7%), Dyesebel (30.1%), Ikaw Lamang (28.4%), Got To Believe (28.3%), Hawak Kamay (28.1%), Maalaala Mo Kaya(28%), Dream Dad (27.7%), The Voice of the Philippines (27.5%), Wanspanataym (27.1%), Forevermore (26.8%), A nnaliza (22.9%), Rated K (22.7%), The Legal Wife (22.4%), Bagito(22.1%), Pure Love (21.6%), Home Sweetie Home (21.5%), Mga Kwento Ni Marc Logan(21.1%), at Two Wives (20.9%).
Maging sa huling buwan ng taon ay rumatsada pa rin sa ratings ang ABS-CBN matapos pumalo ang total day average national audience share nito noong Disyembre sa 43%.
ni Maricris Valdez Nicasio