ni Alex Brosas
HINANGAAN namin ang very articulate na sina Nash Aguas, Ella Cruz, at Alexa Ilacad.
When asked kung ano ang gusto nilang i-consult sa Bagito Hangout, an online forum where one can ask advices sa counselors ng Center for Family Ministries (CEFAM), matatalino ang mga sagot ng mga bagets.
“Siguro itatanong ko sa mga counselor on how to deal with bullies kasi ang bullying ngayon ay grabe talaga. Sobra ‘yung level ng pambubuly, grabe talaga. Ang dami ng bata sa ibang bansa na nagsu-suicide. It’s very nice to be able to talk to someone about it. Puwede ka nilang payuhan. I would also ask the counselors kung may gusto kang sabihin paano mo io-open sa parents mo kung nahihiya ka kasi minsan ‘yun ang nagiging problema,” sabi ni Alexa.
“Kasi ang mga teenagers ngayon napapansin ko malayo sila sa parents nila. Siguro kung paano nila ia-approach ang parents nila and paano hindi magiging awkward. Kasi minsan ‘pag 14, 15, 16 parang feeling mo kaya mo na at nakahihiya na kasama mo parents mo. Hindi dapat ganoon. Habang mas tumatanda ka mas lalong dapat kang mag-effort na makipag-communicate,” say ni Nash.
“Bakit may mga parent na pabaya sa mga anak nila and kung mayroon bang activities na dapat gawin para maging mas strong ang bonding nila,” say naman ni Ella.