Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Germs, nagkasakit dahil sa stress at sobrang pagod

ni Ed de Leon

011215 german moreno

HINDI rin kami sanay na makitang ganoon si Kuya Germs, may sakit. Sanay kasi kaming nakikita siyang masiglang-masigla at walang tigil sa trabaho. Kahit na siyang mag-isa lang, dala niya ang kanyang mga damit, nag-iinterview siya sa mga artista para sa kanyang show. O kaya naman habang ang iba ay nakaupo lang at naghihintay sa pagdating ng mga artista, si Kuya Germs naman walang pahinga sa pag-check ng mga last minute details na kailangan para sa kanyang sinimulang Walk of Fame.

Roon din naman sa kanyang show, hindi lang siya host. Producer din siya at siyang nag-iintindi ng lahat mula sa mga talent fees hanggang sa mga kurtinang ginagamit sa set. Sa totoo lang dumarayo pa siya mismo sa Divisoria para bumili ng mga tela para sa mga kurtinang ginagamit sa kanilang set. Siya rin ang nagsasabi kung ano ang gagawin ng isa’t isa sa show, kaya siya rin in fact ang director niyon. Siya rin ang kadalasan ay nag-iimbita ng guests, alam naman ninyo si Kuya Germs, basta tumawag iyan kahit na walang talent fee mahirap hindian ng mga artista.

Bukod sa kanyang show, consultant pa rin siya sa maraming shows ng GMA 7. Kaya makikita mo rin siya kung minsan na nasa studio ng mga show na iyon, at minsan napupuyat din sa taping.

Kaya nga maski na siya mismo, nagrereklamo sa amin nang dalawin namin sa ospital na naiinip na siya dahil hindi siya sanay ng walang ginagawa. Pero pinaalalahanan nga namin siya na sinabihan na siya ng doctor na kailangan niyang magpahinga at iyong sobrang pagpapagod niya at stress, iyon na nga ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.

Ang isa pang bagay, hindi lang iyong trabaho niya ang iniintindi ni Kuya Germs. Hindi lang ang career ng kanyang mga alaga sa kanyang shows. Pati na iyong mga hindi naman niya dapat iniintindi eh siya pa ang nagpapasan ng mga problema sa career.

Ewan nga ba, pero sana ngayong may sakit pa siya, lubayan na muna nila si Kuya Germs.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …