Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star Magic, sinagot ang pananaray ng isang fan sa KathNiel

ni Alex Brosas

112714 Kathniel

NAGBIGAY ng official statement ang Star Magic na namamahala sa career nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Ito ay bilang tugon sa paratang ng isang fan na nanood ng show ng dalawa sa Milan, Italy.

“All Star Magic artists go to great lengths to please and satisfy the various audiences and fans. The meet and greets are a concession to the local producers who use them as a marketing device. They are run by the producers and often the artists have little or no control over how they are run.

“Nevertheless we regret that there is at least one disgruntled fan and will try and make sure that incidents like this are not repeated.”

‘Yan ang statement ng Star Magic matapos magtaray ang isang fan na nanood ng show ng dalawa sa Milan, Italy.

Kumalat sa social media ang aria ng fans na nag-walkout daw sina Kathryn at Daniel sa kanilang meet and greet. Noong una ay nadesmaya na nga raw siya dahil ang dapat sana’y 12 noon na pagbubukas ng gate ng venue ay naging 2:00 p.m. Ginutom at inuhaw daw sila.

Then, nagreklamo ang hitad dahil 30 minutes lang nag-show ang dalawa. After ng show nila, sa meet and greet ay 30 minutes lang din ang itinagal nito at bigla raw nag-walkout sina Kathryn at Daniel.

Hindi rin daw natupad ang photo op na nakasaad sa ticket dahil sampuan ang pagpapakuha ng picture kasama ang dalawa instead na isahan.

Ipinagtanggol naman ng KaDreamersITALY sina Daniel at Kathryn at sinabing nagkagulo kaya ipinatigil ng producers ang photo op. Pati kasi ‘yung walang VVIP ticket ay sumali rin sa photo op.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …