Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manay Lolit, mas naapektuhan sa pambu-buwiset kay Kris

ni Ronnie Carrasco III

011015 Celia lolit kris

IBANG eksena naman ito na naganap pa rin sa kasal ni Dingdong Dantes at ng kanyang napangasawa, again Lolit Solis who stood as one of the proud ninangs. Kabilang din kasi sa mga principal sponsors ay sina Celia Rodriguez atKris Aquino, among others.

Nang makatiyempo para magtsikahan, si Manay Celia—as she’s fondly called—ang napagtripan ni ‘Nay Lolit. To begin with, their friendship goes a long way.

Pabirong panunumbat nito, ”Ikaw talaga, Manay Celia, ang plastic-plastik mo! Akala ko ba, ‘di mo feel si Kris, pero nakikipagtsikahan ka sa kanya!”

Depensa naman daw ng premyadong aktres, ”Lolit, I’m just being polite.”

Pero ang hindi nakaligtas sa rumerepekeng bibig ng talent manager cum TV host ang kanyang mismong dating alaga, si Kris.

Siyempre, nakapaloob ang misa sa seremonya ng kasalan. Dumating ang bahagi ng offertory na may mga nag-iikot na taong simbahan tangan ang pagsisidlan ng perang donasyon.

Ani Manay Celia, ”I don’t have my bag.” Hawak kasi ng PA niya ang kanyang bag na naroon ang kanyang pitaka. Iniwan naman ni ‘Nay Lolit ang kanyang bag sa van.

Kuwento ni ‘Nay Lolit, ”Alam mo bang ginawa ni Kris? Naglabas talaga siya ng bundle ng tigwa-P1,000. ‘Okay, I’m just going to give you your share,’ Isang bundle ‘yon, ha, so P100,000 ‘yon! Sabi ko talaga kay Kris, ‘Ganyan ka naman talaga, eh! Kailangan pine-press release mo ‘yang ibinibigay mo!’”

Pero sa bandang huli, napagtanto ni ‘Nay Lolit na, ”Alam mo, feeling ko, ako ang mas binuwisit ni Kris kaysa ako ang nambuwisit sa kanya! Hmp!”

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …