Sunday , November 17 2024

Guesting ni PNoy sa GGV, mas umani ng papuri kaysa negatibo!

 

011015 vice ganda pnoy

00 fact sheet reggeeAKALA ng lahat ay si Kris Aquino ang lumakad o umayos kaya nakapag-guest (o nai-guest) si Presidente Noynoy Aquino sa programang Gandang Gabi Vice.

Nilinaw ito ng Executive Producer ng programa ni Vice Ganda na si Leilani Zulueta Gutierreznang makita namin siya sa taping ng GGV noong Huwebes ng gabi nang samahan namin ang mga tiyahin naming nanggaling ng ibang bansa.

“Wala namang kinalaman si Kris kaya nagpa-interview si PNoy sa GGV,” bungad sa amin ng TV executive nang banggitin namin ang Queen of All Media na siya ang lumakad.

“It was Paul Cabral (designer), siya ang kumausap kay PNoy para mai-guest siya sa ‘GGV’, ‘di ba si Paul ang nagbibihis kay Presidente? So, siya ang nakipag-usap.

“Eh, ‘di ba bestfriend sina Paul at Vice, kaya hayun, napapayag.

“At si Kris, wala siyang alam, the day itself lang niya nalaman na nasa Malacanang kami. Hindi ko alam kung sino ang tinawagan niya (Kris), si Vice yata at may tinanong at nabanggit nga na papunta kaming Malacanang.

“Kaya nagtanong siya (Kris) kung anong gagawin namin o anong mayroon at ‘yun nga sinabi na rin na iinterbyuhin si PNoy, nagulat siya talaga,” paliwanag sa amin.

Sabi pa nga namin na naunahan ng GGV ang The Buzz at Aquino & Abunda Tonight kay PNoy na nakakataka dahil host naman si Kris sa mga nabanggit na programa.

Anyway, binati namin ang executive producer ng GGV dahil ang ganda ng resulta ng programa at halos lahat ng nakapanood ay pawang maganda ang sinasabi.

Ano naman ang komento ng EP sa sinasabing ka-cheapan ang paglabas ni PNoy sa GGV dahil kung ano-ano lang naman daw ang napag-usapan na hindi naman ito makatutulong sa problema ng bayan.

“Hayaan mo sila, basta kaming lahat sa show, masaya kasi iilan lang naman ‘yung mga nag-comment ng hindi maganda, the rest puro positive at ‘yun nga maganda ang ratings game, so okay na kami roon,” pa-humble na sabi ni Leilani.

Masaya nga raw ang ABS-CBN management dahil napapayag nga naman ng GGV na mai-feature nila si PNoy.

“Tuwang-tuwa siyempre, kasi maganda ‘yung outcome, at sulit ang pagod naming lahat kasi as early as 6:00 a.m., nandoon na kami, kailangan naming g ipasok lahat ng gamit kasi that same day, ‘yun ‘yung pipirmahan ni PNoy ang national budget, so roon mismo sa pinag-tapingan namin, doon dadaan ang mga politiko, so para hindi kami maka-istorbo, maaga kaming dumating at nakatago na kami lahat para hindi kami makaistorbo.

“Tapos nakunan namin siya (PNoy) mga ala –una na ng hapon at sandali lang, 40 minutes lang tapos na kami.

“Nakatutuwa nga kasi ‘yung ipinadala naming questionnaire walang binago lahat check at wala silang (staff ni PNoy) sinabi na ganito o ganyan ang dapat itanong, as is talaga. Ang cool nga ni PNoy kasi lahat ng tanong ni Vice, sinagot niya,” pagkukuwento sa amin.

At take note, kabado raw si Vice sa interview niya sa Presidente ng Pilipinas.

“Kabado talaga siya, inamin naman niya ‘yun bago nag-start ang show, ‘di ba? Pigil na pigil nga si Vice kasi alam mo naman ‘yun, maraming gustong itanong, pero nasg-stick kami sa questionnaire talaga,” pahayag sa amin.

Sina Pokwang, K Brosas, Matteo Guidicelli, at Marlon Stockinger ang special guests saGGV bukas ng gabi at huwag itong kaligtaang panoorin dahil riot ang talakayan nila na kailangang i-edit or else mapapatawag sila tiyak ng MTRCB.

 

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *