SA Sabado, January 10 ay mapapanood si Lance Raymundo sa Mga Pastol sa Sabsaban sa TV5 sa ganap na 5:30 ng umaga. “This is a project of CFA and Family Rosary Crusade, this video will also be shown in functions related sa pag-visit ni Pope and supplementary video rin ito para sa comics na ilalabas for kids tungkol kay Pope Francis.
“Sa palabas na ito, me and Jayme Jalandoni (PBB teenhousemate 2014) are classmates sa grad school. Then we agreed to do a project na nag-interview kami ng people from all walks of life: rich business people, priests, garbage collectors, entertainer sa night club, kids, etc. Tungkol sa point of view nila towards Pope.
“Iyong character ko mayaman and at first, may reservation ako sa pag-interview ng ilang mga tao, lalo na roon sa entertainer sa club. Kasi Medyo closed minded yung character ko. Also, feeling ng character ko rito, giving donations is good enough at ‘di na kailangan ma-involve.
“Jayme plays an ordinary girl with real life problems, siya yung nagbukas sa aking mga mata tungkol sa real life situation at naging instrumental sa change of heart ko. In the end, everybody happy and we acknowledge that all our learnings came from the good example and inspiration of Pope Francis,” esplika ni Lance.
Samantala, aminado ang versatile na singer/actor na maganda ang pasok sa kanya ng taong 2015. “Yup! 2015 is starting out really well! I’m in Cebu now and just finished my very first show for the year. As soon as I land in Manila later, I go straight to a meeting with some Dubai based producers naman.
“As a singer, I’m booked ‘till June. Yung June show will be in Prague, kasama ko roon sina Manny Pacquiao and Imelda Marcos. As an actor naman, two of my films will be shown at the first quarter of the year.”
Mapapanood si Lance sa pelikulang Dota O Ako, na isang teen-comedy drama with Buboy Villar, Rosanna Roces, Jao Mapa at ilang GMA-7 teenstars. Katatapos lang din niyang gawin ang Maskara na isang political drama/suspense with Ina Feleo, Ping Medina, Boots Anson Roa, at iba pa.
Ayon pa kay Lance, nakatakda silang makipag-meeting ng manager niyang si Shandii Bacolod sa ilang mga taga-TV Network para sa posibleng paggawa niyang muli ng isang soap opera. “Hope I get into a soap this year,” saad pa ni Lance.
Naging host din si Lance recently sa grand coronation night ng Pinay Beauty Queen Academy Season 1, isang beauty queen reality show sa Siyete. Kaya talagang humahataw nang todo ang career ni Lance ngayon.
Jericho Aguas, kakandidatong Vice Mayor ng Angeles City sa 2016
ISANG malapit kay Jericho Aguas ang nagkompirma na plano nitong tumakbo bilang Vice Mayor ng Angeles City, Pampanga sa 2016 elections. Bale si Jerciho ang magiging vice ni Mayor Ed Pamintuan.
Ang mister ni Isabel Granada ay kasalukuyang Konsehal sa 1st District ng Angeles City. Ilang ulit nang naging Konsehal dito si Jericho mula pa noong 2004.
Ayon sa ilang supporters ni Jericho, dapat lang na tumakbong Vice Mayor si Jericho dahil sa magandang naipakita niya sa Ilang taon na panunungkulan.
“Si Jericho na ang dapat iboto for Vice, kasi wala naman siyang pangit na ipinakita sa Angeles at dalawang beses na Number-1 councilor dito si Jericho. Naging acting Vice Mayor siya or minsan ay acting Mayor kapag wala ang mga incumbent,” saad pa ng isang botante roon na naka-usap namin.
Ayon naman sa isang malapit sa aktres, suportado ni Issa ang desisyon ni Jericho. Naniniwala si Issa na kadapat-dapat maging Vice Mayor si Jericho dahil ito ay masipag, dedicated na public servant, at mahal ang kanyang mga kababayan.
Sa isang on-line survey sa posibleng kandidato para sa Vice Mayor ng Angeles City ay nanguna si Jericho at nakakuha ng 71 percent na approval sa anim na pinagpilian ng kanilang mga Cabalen.
ni Nonie V. Nicasio