ni Roldan Castro
MAGANDA ang pasok ng 2015 kay John Estrada dahil opening salvo ng taon ang pelikulang Tragic Theater na showing na sa January 8. Pangalawang pagsasama nina Andi Eigenmann at John ang nasabing pelikula. Nagkasama sila noon sa seryeng Agua Bendita ng ABS-CBN 2 na gumanap siyang tatay. Ngayon naman ay gaganap siyang pari.
“Sabi nga ni Andi, ‘teka, rati tatay kita tapos ngayon parang may love ano na tayo’,” tumatawang kuwento ni John.
“Sabi ko, hindi naman ganoon ‘yun. Siyempre, trabaho lang ito. Siya ‘yung na-exorcist na parang nagkagusto sa pari,” dagdag pa niya.
May ilang factor ba ‘yung parang love interest ni Andi after maging tatay?
“Oo. Pero inisip ko na lang na ,wala eh, trabaho ito. Kung sundalo ka, panibagong giyera ito.Parang ganoon lang,” pakli pa ng magaling na actor.
“Naiilang ako sa tinginan namin ni Andi. Pero small percentage lang ‘yung love angle sa movie. Aside from that, puro horror pa rin,” sambit pa niya na tumatawa.
Ito rin ang pelikulang isinu-shoot nila na nahulog si Andi sa harness.
“First time. Matagal-tagal na ako rito sa industriya… patid talaga, bumigay. Fifteen to 18 feet. Mataas. Kami ang magkaeksena. Alam mo ang reaksiyon ko?..parang masa-shock ka pala. ‘Yun ang unang reaksiyon ko. Hindi ka makasigaw. Unang pumasok sa isip ko, bali ito. Kahit anong parte ng katawan mayroon talagang siguradong bali. Sumigaw lang ako na ‘wag niyong hawakan, ‘wag niyong buhatin. So, bumaba ako, tumakbo ako, kinausap ko lang siya, umiiyak siya. Sabi ko, relax lang, tumawag ng ambulansiya, tapos sabi ko kumusta ang likod mo, masakit ba? Sabi niya, oo. Roon ako nag-worry, akala ko spinal. Pero iniisip ko kung tumama siya sa hard mattress, gulay. Masuwerte pa rin siya, sobra,” sey pa niya.
Talbog!