BUKOD sa jampacked ang lahat ng mall show na ginawa ni Kathryn Bernardo sa SM Malls in connection with the promo of her first self-titled album Kathryn Bernardo, pagdating sa sales ay kinakabog pa niya ngayon sina Sarah Geronimo at iba pang local and foreign artists.
Base sa lists ng Odyssey Music & Videos para sa kanilang Top Albums release late 2014, nasa No. 2 spot ang album ni Kathryn na carrier single ang revival niya ng “Mr. DJ” ni Sharon Cuneta na patok na patok ngayon sa young generations. Inilampaso nang husto ng Teen Queen (Kathryn) ang kare-release na album ni Sarah na “Perfectly Imperpect” under Viva Records na nasa pang No. 10 o huling puwesto sa top 10 sales album. Nangunguna naman si Taylor Swift, Dareen Espanto na nasa No. 3 spot, No. 4 ang One Direction, No. 5 – Seconds of Summer, No. 6 – Jose Mari Chan, No.7 – “Gimme 5 Gimme 5,” at pang No. 9 na si Ed Sheeran.
Matatandaang may ilang netizens na bumatikos sa pagiging recording artist ni Kathryn at lahat sila ay napahiya sa huge success ng album ng Kapamilya young actress. As of presstime dahil mas dinumog pa ay nasa No. 1 position na ang album ng kalabtim ni Daniel Padilla.
Belattt na lang sa inyong lahat gyud!
ni Peter Ledesma