Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shooting ng Praybeyt Benjamin, napabilis dahil kay Kris

ni Roldan Castro

ANYWAY, isa pang kasama ni Vice sa pelikula ay si Bimby Aquino Yap. Hindi maitago ang pagiging stage mother ni Kris sa shooting.

“Noong Sabado, nandoon siya sa shooting. Behaved lang naman siya kahapon. Pero noong una, nangingi­alam talaga siya,” pagbubulgar ni Vice.

“Kasi, noong kauna-unahang shooting namin, mahirap ‘yung ipinagawa kay Bimby. Na kahit ako rin, naawa ako sa bagets. Kasi, pinag-Chinese siya. Lahat ng linya niya, Chinese. Eh ‘yung bata, hindi handa. So, mayroong Chinese instructor doon na ibinibigay kay Bimby ‘yung mga linya niya na Chinese. Tapos, si Kris ‘yung papalit siya ng papalit. ‘Huwag ‘yan, ‘yung mas maigsi pa.’ Tapos, babaguhin niyong instructor. Sabi niya, ‘Hindi ‘yan, ‘yung mas simple pa.Tapos, ‘pag hindi masabi ni Bimby, ‘Huwag ‘yan, Tagalog na lang.’ Ang ending, nag-Tagalog na lang si Bimby! Ha! Ha! Ha! Kaya nakakatawa talaga,” kuwento ni Vice.

Pero happy siya dahil maraming pagkaing dala si Kris sa shooting. Mabilis din daw silang mag-work dahil si Kris ay tingin ng tingin sa relo niya.

“Hindi kami makapagpetiks ni Direk Wenn, hindi kami makapagtsismisan ‘pag nandoon siya. Kaya masaya ‘pag nandoon si Kris. Lagi siyang nagbabantay ‘pag wala siyang shooting, eh,” aniya pa.

Nag-improve na ba ang acting ni Bimby sa second movie niya?

“Okey lang naman si Bimby. Saktong-sakto lang. Tamang-tama lang sa hinihiling. Hindi OA, hindi rin naman waley,” sey pa ni Vice.

Kasama sa The Amazing Praybeyt Benjamin sina Richard Yap, Alex Gonzaga, Nikki Valdez, Vandolph, Kean Cipriano, DJ Durano, Ricky Rivero atbp..

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …