MARAMI ang tila naimbiyerna kay Xian Lim nang lumabas ang photo niya na may ibang kasamang babae at hindi si Kim Chiu.
Tila nakainom si Xian at ang unnamed girl na medyo chubby. Lait ang inabot ng girl dahil hindi naman siya kagandahan based on the pictures which came out sa isang popular website.
Ang comment ng marami, lagot daw si Xian kay Kim. Mayroon din namang nag-react na sira na ang KimXi love team because of the photos.
Sino kaya ang girl na kasama ni Xian at kayakap pa sa isang photo?
Napapansin lang namin, tila puro negative write-ups ang nasusulat about Xian nowadays, ha.
Noong una, binabatikos siya dahil bano siyang umarte. Nakailang takes daw bago niya nagawa ang isang eksena sa isang bagong soap na ginagawa niya. Naimbiyerna na nga raw ang co-actors niya.
Ang nakakaloka lang, ang nagkakalat ng chismis about Xian ay PR ng Dos. How degradingly cheap, ‘di ba?
Vice, ‘di raw kailangan ng sakdamakmak na big supporting cast sa movie
NAPANOOD namin ang trailers ng My Big Bossing ni Vic Sotto at The Amazing Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda na parehong kasali sa Metro Manila Film Festival.
Napansin namin na corny ang mga joke at luma pa sa movie ni Bossing Vic. Pati ba naman ang panggagaya sa acting ni Ate Guy ay in-infuse pa sa movie, eh, matagal nang pinagkakitaan ang ganyang eksena, ‘no. Wala na bang bago? Jurassic na ang ganyang patawa, ‘no! Ano bang klaseng scriptwriter mayroon ang movie ni Vic at tila hindi kayang magbigay ng bagong jokes. Wala siyang kuwentang magpatawa, ‘no!
‘Yung kay Vice Ganda ay mas kuwela, very NOW ang mga joke at talagang nakatatawa. Ang strength ni Vice ay ang kanyang deadpan humor at mabilis na pagbitaw ng punchlines.
Also, we observed na every time na mayroong entry si Vic sa MMFF ay kailangan niya ng big supporting cast samantalang si Vice ay palaging siya ang major attraction. Sandamakmak na comedians ang kasama ni Vic pero si Vice nag-iisang tunay sa kanyang movie.
Jake, nag-enjoy sa acting lessons sa US
NAGPAKATOTOO lang si Jake Cuenca nang aminin niyang na-hurt siya nang hindi siya manalong Best Supporting Actor sa recently-concluded PMPC Star Awards for TV. Si John Estrada ang tumalo sa kanya.
Hindi man nagwagi, nanalo naman bilang best actor si Jake sa Mulat/Awaken sa International Film Festival Manhattan 2014.
Gusto ng hunk actor na lalo pang matuto about acting kaya naman nag-aral pa siya sa US.
“Honestly, parang it was going back to basics. Isang month lang kasi siya. First day, basic, the next day…third day masters. More than anything, ‘yung na-treasure ko is ‘yung feeling na kinakabahan ka. Kailangan naming aralin ‘yung methods ng theater. Doon ako naengganyo. Nabuhayan ako as an artist because it was parang it was amazing how they respect the theater. ‘Yung kaba na naramdaman ko to act in front of an audience, to prepare for it, uma-act kami sa park, it was very inspirational,” say ni Jake sa presscon ng Mulat/Awaken na isa sa finalists in the Metro Manila Film Festival, New Wave, Feature Film division.
Maganda ang ganitong attitude ni Jake. Malayo ang kanyang mararating dahil dito.
Alex Brosas