ni Alex Brosas
NILAIT si Nadine Lustre sa dalawang photo niya na ang suot ay parang manang na lumabas sa isang popular website.
Ang reaction ng marami, kailangang kumuha ng stylist si Nadine. Kasi naman, nagmukha siyang principal sa kanyang hitsura sa picture, parang hindi siya artista.
Grabe ang comments sa kanya, talagang lait to the max ang inabot niya.
“pngmtnda nmn itey..d n humarap s salamin?”
“para siyang taong binalot sa dahon ng niyog… in short suman.”
“anyare te? pra lang kinuha pa sa mahiwagang baul ni lola”
“Paano nya naatim isuot ang nakakahindik na kasuotang iyan? Karimarimarim sa paningin! Mukhang kung saang galing na planeta. Oh my gas!”
“Ang panget nang outfit nya mulja sya matanda dito. Sana kumuha sya ng fashion consultant nya. Walang dating mga sinusuot nya. Eh sikat k n d b bt di k kumuha na maayos na glam team mo.”
Ilan lang ‘yan sa comments na nabasa namin about James Reid’s ka-love team.