Monday , December 23 2024

Kantang ginawa ni Jamie para kay Pope Francis, iniintriga

 

ni Pilar Mateo

WE are all God’s children…

Sabi ng kantang hinugot ni Jamie Rivera mula sa kaibuturan ng kanyang puso na siya ngayong official theme song for the Apostolic visit of Pope Francis sa ating bansa sa Enero 2015.

Ang dalawa pang kantang isinulat ni Jamie ay ang Papa Francisco, Mabuhay Po Kayo! At Our Dearest Pope na maririnig sa isang album ang nasabing mga kanta kasama ang mga kanta rin nina Jed Madela at Angeline Quinto, Liezel Garcia with the Heralds Choir, Janella Salvador, Fatima Soriano, Aiza Seguerra, Erik Santos with the Optimi San Carlos Seminary Choir, Robert Seña and Juris Fernandez, and Morissette Amon with the Lighter Side Movement Choir.

Ayon kay Jamie nang makausap namin ito sa album launch sa Villa Immaculada na naghanda ng bonggang catering ang Tamayo’s at ang Fernando’s bakery, kinapalan daw niya talaga ang mukha niya sa pagtatanong kay Father Soc Villegas kung puwede rin ba siyang mag-submit ng kanta para sa Santo Papa.

Hindi nga naging madali para sa kanya ang humagilap ng inspirasyon. Pero lumabas lang daw siya ng bahay at sa paghihintay niya sa traffic along Ortigas patungong Greenhills—sa paglingon niya sa kaliwa’t kanan—nakuha niya agad ang inabot ng kalahating buwan para mabuo ang kanta. Na kailangan ding may kasamang video kapag isinumite.

“Noong isulat ko na siya na two weeks ko ng isinusulat hindi pa matapos, binasa ko na lahat ng kailangan kong basahin, pinakinggan ko na ang ibang kanta and when I saw those scenes lang along Santolan, papunta ng Greenhills, nasagot ‘yung goal o theme ng kanta-mercy and compassion. Two lines lang ang natapos ko. After three days pa dumating ‘yung iba.”

At nang matapos ito ni Jamie at maaprubahan at nalaman na ang kanta na niya ang maririnig ng Santo Papa pati na ng buong mundo, inatake na si Jamie ng katakot-takot na bashers sa lahat ng avenues ng social media.

Bakit daw ganoon ang kanta niya? Bakit siya ang kakanta? Pati ang Biblia eh, idinadamay. Pero hindi raw ito binigyan ng focus ni Jamie.

“Hindi ko pa alam kung magkakaroon ako ng personal encounter with the Pope. Alam ko lang kakanta ako sa UST and sa MOA sa January 16, 2015. Hindi ko alam what I will feel. Ngayon pa lang na standee pa lang niya ang nakikita ko, abot-abot na ang nerbiyos ko. Alam naman natin na may protocols when it comes to having an audience with him. Ang gusto ko lang talaga, marinig niya ang kanta, na kahit ang layo ng bansa natin sa Vatican, naalala niya tayong puntahan. Hindi natin alam when the next papal visit will come kaya this is one momentous event na dapat nating paghandaan at antabayanan.”

Ngayon pa lang, ang hand gestures din na siyang ipinamalas sa video ng nasabing kanta ang pinalalaganap na sa karamihang simbahan sa kapuluan choreographed by Landa Juan.

Be prepared for the Pope’s coming. For the Lord’s blessing. And healing!

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *