Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brigitte at Sheena McBride, madugo ang pagganap sa Gemini

112814 Lance twins McBride

00 Alam mo na NonieMAGANDA ang pasok sa showbiz ng kambal na sina Brigitte at Sheena McBride. Kahit kasi newcomer pa lang, bida na agad ang dalawa sa pelikulang Gemini ni Direk Ato Bautista. Kalahok ang pelikulang ito sa MMFF New Wave Category na mapapanood mula December 17 to 24, 2014 sa SM Megamall at Glorietta-4 cinemas.

Naintriga ako sa trailer ng Gemini dahil sa ilang madugong eksena rito nina Brigitte at Sheena. Kaya naman hindi nila masabi nang diretso ang role nila sa pelikulang ito dahil baka maging spoiler daw.

Ang pelikula ay isang psychological suspense thriller at napasabak nga agad dito sa pag-arte ang McBride twins. Pero ayon kay Brigitte na graduate ng BS HRIM sa De La Salle College of Saint Benilde, dumaan muna sila sa ilang acting workshops bilang paghahanda sa kanilang first movie.

Nagpapasalamat nga sina Brigitte at Sheena sa kabaitan ng mga kasama nila sa pelikulang ito, partikular sina Mon Confiado at Lance Raymundo dahil sa suporta at pag-alalay sa kanila. Gusto rin nilang pasalamatan pati si Direk Ato na katulong si Mon ay bi-nigyan ng acting workshop ang kambal ni Mommy Carol McBride, na tumatayong ma-nager din ng kanyang mga anak. Anong masasabi ni Bri-gitte sa kanilang first movie?

“Very challenging po, kasi first ko lang po yun. Nakaka-excite na nakakakaba ito para sa amin. Pero isang achievement na din po para sa akin ‘yung magawa ko iyon as part of my role.”

Sa panig naman ng kakambal niyang si Sheena, nagpapasalamat siya sa dumating sa kanyang opportunity dahil hilig daw talaga niya ang pag-arte. Idinagdag pa ni Sheena na dahil sa pelikulang Gemini, mas naging close raw sila ni Brigitte.

Ano ang role niya sa Gemini? ”Hindi ko po mare-reveal ang actual role ko sa film, kasi yun yung one of the twists. Ang masasabi ko lang po is very emotional and challenging ang role ko rito,” nakangiting sagot ni Sheena.

Pinuri naman ni Direk Ato ang mga artista niya sa pelikulang ito. “My actors were nice to work with and they were all focused on their roles and jobs while we were filming.”

Ano ang masasabi niya sa McBride twins? Satisfied ba siya sa performance nila rito?

“Oo naman, masisipag at focused sila noong ginagawa namin yung pelikula. Sa maigsi at mabilis na shooting, nakasabay naman sila kahit pa baguhan,” wika pa ni Direk Ato.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …