NAGULAT kami sa nabasa naming artikulo sa www.pep.ph na inamin ni Nadine Samonte na isang taon na siyang kasal sa kanyang negosyanteng boyfriend na si Richard Chua.
Si Richard ay anak ng aktres na si Isabel Rivas.
Ayon sa artikulo, ikinasal sina Nadine at Richard sa isang farm na pag-aari ni Isabelas sa Zambales noong Oktubre 30, 2013.
Ani Nadine, may malaki silang ihahayag ngayong Oktubre na first anniversary nila ng kanyang asawang si Richard.
Sinabi pa ni Nadine na pribado ang naging kasalan nila ni Richard na isang farm wedding at dinaluhan lamang ng iilan nilang mga kamag-anak. Ang mga ninong at ninang na kinuha nila ay pawang mga super close rin lang sa kanila.
Sa ngayon, ine-enjoy daw nina Nadine at Richard ang isa’t isa.
Well, congratulations kina Nadine at Richard.
Marion, gusto na ring subukan ang pag-arte
NASA dugo talaga ni Marion Aunor ang pagiging artista kaya hindi kataka-takang gustuhin din niyang umarte bukod sa pagkanta.
Maganda na ang takbo ng career ni Marion ngayon bilang singer/recording artist. Na bukod sa pagiging interpreter sa nagdaang Himig Handog na entry ni Jungee Marcelo na Pumapag-Ibig, malaking blessing ang kauna-unahang award na natanggap niya mula sa 6th Star Awards for Music ng PMPC bilang New Female Recording Artist of the Year.
Ukol naman sa pangarap na umarte sa harap ng camera, pinaghahandaan na niya ito sa pamamagitan ng pag-undergo sa mga acting workshop.
Inamin ni Marion na noo’y natakot siyang subukan ang pag-arte subalit ngayo’y tila nagkakaroon siya ng interes.”Dati kasi, natatakot ako dahil nape-pressure na nga ako sa singing, mape-pressure pa ako sa acting. Pero ngayon na medyo nakaka-adjust na ako unti-unti sa music industry, parang napi-feel ko na ready na akong mag-take ng new challenges,” sambit ni Marion minsang makahuntahan namin ito.
Samantala, may USa at Canada concert si Marion sa November. Magko-concert siya sa November 15 sa Oakland Scottish Rites Center, Oakland, California, USA, sa November 21 naman sa Massey Theatre, Vancouver, at sa November 23 sa Century Casino, Calgary, Canada.
Makakasama niya rito sina Mitoy Yonting, Klarisse de Guzman, at Darren Espanto ng The Voice Kids Philippines.
Early next year naman iri-release ni Marion ang second album niya under pa rin sa Star Records. Aniya, mas special daw ang album na ito,
“Itong aking next album, I think mas special, kasi magiging part ng album ang composition nina Tito Vehnee (Saturno) and sir Jungee. Kasi feeling ko ay matutulungan nila ako talagang makagawa ng hit song.”
Maricris Valdez-Nicasio