Wednesday , December 11 2024

Sabi ni Vice President Binay vs accusers…

00 pulis joey“I’ll be a hypocrite if I don’t tell you sometimes, I get mad. Especially it’s already foul, it’s below the belt and lying by saying that this is not politics.”

Ang sinabing ito ni Vice President Jojo Binay sa mga mamamahayag nang magsalita siya sa 2014 International Public Administration Conference sa Waterfront Hotel sa Davao City last Friday ay umani ng libu-libong ‘likes’ at mga brutal na ‘comments’ nang i-post ng ABS-CBN sa kanilang website.

Halos iisa lang naman ang mensahe ng mga nag-comments, kung wala anilang ginawang katiwalian si VP Binay lalo na nung alkalde siya ng Makati City ay harapin niya ang kanyang accusers at mga senador sa Senate inquiry.

Ang Senate Blue Ribbon sub-committee ay kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa overpriced Makati Parking Building na umabot ng P2.7-billion sa kabila ng ito’y 11 palapag lamang at ordinaryong gusali lang din hindi tulad ng sinabi ng mga Binay na world-class ang pagkagawa.

Sa imbestigasyon ay nabuking din ang katiwalian sa pagpagawa at mga gamit ng Ospital ng Makati.

Nabulgar narin ang mga umano’y 350 ektaryang hacienda ni VP Binay sa Rosario, Batangas at Tagaytay City.

At marami pa umanong ibubunyag sa publiko ang mga nag-aakusa ng katiwalian ng pamilya Binay na sina dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na umaming dating ‘bagman’ ng Vice President, mga dating opisyal ng Makati City government at mga lumabas na dummy sa negosyo ng pamilya Binay.

Ang matindi rito, ang mga akusasyon sa pamilya Binay ay tumutugma sa rekord ng Commission on Audit.

Kaya ang sabi ng netizens, makabubuti kay VP Binay na harapin niya ng punto por punto ang mga akusasyon. Dahil kung patuloy siyang iiwas at igigiit na pinopolitika lang siya dahil tatakbo siyang pangulo sa 2016 ay lalo lamang siyang madudurog sa publiko. Tumpak!

CoA hiling mag-audit

sa mga barangay

– Boss Joey, sana sa mga barangay i-audit din ng CoA (Commission on Audit) ang mga proyekto nila na bidding bidingan. Dito sa amin sa disrtict 2, Caloocan City sa Brgy. 113 at 114 ang lalabo ng mga CCTV ‘di katulad sa ibang barangay malinaw ang monitor nila. Palibhasa mumurahin lang ang kinabit na CCTV. Nagkakaroon ng nakawan ‘di ma-identify kung sino. Di ba obra i-audit din sila? Pls don’t publish my celfone number. – Concerned citizen

Tama ang suggestion na ito ng texter. Actually, lahat ng projects sa barangay ay dumadaan yan sa audit ng CoA. Kaso may nangyayari rin dito na audit-auditan! Aprub lang din sila ng aprub nang hindi tinitingnan ang quality ng project, kasi nabahagian din sila ng kickback! Aminin!!!

Kaya walang

nagawa sa Makati

si ex-Vice Mayor Mercado

– Sir Joey, para po ito dun sa nag-text na taga-Makati na kahit daw corrupt si Binay ay may naipagawa naman at samantalang si ex-VM Mercado ay walang naipagawa. Minamali ko sya dun! Wala talaga maipapagawa si VM Mercado kasi nga gusto ng mga Binay na sila lang magpasasa sa Makati at marami takot sa kanila. Suriin mo yung Vice Mayor nila ngayon walang project, kasi ‘di nila kaalyado. Gusto ng mga Binay sa kanila lang umikot ang panunungkulan dyan sa Makati para magpayaman Hindi kaya isa lang sya sa nakikinabang? Barya lang yan kaibigan. Dapat nga magpasalamat ka kay ex-VM Mercado at kina Atty. Bondal na naglakas-loob na isiwalat ang mga pagnanakaw kahit buhay nila ang nakataya. – 09199436…

Ang trabaho ng Vice Mayor ay magpasa lamang ng ordinansa, hindi ang gumawa ng proyekto. Mayor ang nagpapatupad ng mga project. Inaambunan lang ng mayor ng ‘kickback’ sa project ang vice mayor.

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *