Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Side A, SouthBorder, True Faith mapapanood sa Music Hall!

 

101114 music hall library metrowalk

00 SHOWBIZ ms mBUHAY NA BUHAY na naman ang night life sa Ortigas sa pagbubukas ng bagong Music Hall (dating The Library) na matatagpuan sa Metrowalk Ortigas.

Ang two-storey venue ay tamang-tama para sa mga mahihilig sa musika. Natikman namin ang unang pasabog ng Music Hall nang muli itong ilunsad noong Miyerkoles na kaagad nagpatikim ng magagandang awitin ng mga dating miyembro ng Freestyle na sina Top Suzara at Jinky Vidal.

Napag-alaman naming balik-Viva Records si Top at magkasama sila uli ni Jinky.

Anila, okey ang samahan nila ngayon gayundin ang working relationship nila. “That’s all water under the bridge,” ani Top tungkol sa pagsubok na pinagdaanan nila sa grupo ilang taon na ang nakalilipas.

Kung ating natatandaan, nagkaroon ng misunderstanding ang mga miyembro ng Freestyle years ago lalo na ang magpinsang Top at Tats kaya kinailangang umalis sa grupo ng una.

Sumunod naman si Jinky na umalis sa grupo at ngayon ay pareho sila ni Top na solo artist na.

Aminado si Top na sobrang devastated siya nang umalis siya sa Freestyle pero naka-move on na rin naman siya at napagdesiyonang bumalik sa music industry na mahal na mahal niya.

Muling nagsama ang dalawa para sa kanilang album na Reunited under Viva Records. Pero, sa album na ito lang daw sila nagsama at may kanya-kanya na silang career bilang singer.

Kung gusto ninyong makarinig ng magagandang music, go na kayo sa Music Hall. Para sa month of October, may mga special show ang Music Hall na nagtatampok sa ilang Viva artists tulad ng Side A na mapapanood sa October 10; Restrospect with Jason Farol sa Oct. 11; Aegis with Jek Manuel sa Oct. 15; Soutborder with Sheng Belmonte sa Oct. 17; Juris with Jason Farol sa Oct. 18; True Faith with Sheng sa Oct. 24; at Jinky Vidal with Six Part Intervention sa Oct. 31.

Mayroon ding live entertainment ang Music Hall tulad ng series of show ni Jon Santos na mapapanood sa Nov. 14, 15, 21, at 22.

Bukas din ang Music Hall par asa mga private event at any time of the day. For booking and other inquiries, interested parties may contact 4511786, 09266429114.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …