Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga pangarap sa buhay at mga kuwento ng tagumpay sa GRR TNT

101114 GRR

TUTOK lang sa lifestyle program ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) dahil mga nakapagbibigay ng inspirasyon at pag-asang kuwento ang itatampok.

May interbyu ang host-producer na si Mader Ricky Reyes sa Miss World New Zealand 2014 na si Airelle Dianne Garciano na ipinagmamalaking may dugo siyang New Zealander at Pinoy.

Pinay ang ina ng beauty queen na nainlab at nagpakasal sa kanyang amang ipinanganak at lumaki sa New Zealand.

Ipinagtapat ni Arielle na matagal na niyang pangarap na madalaw ang mga kamag-anak ng ina sa Cebu. Sinabi rin niyang may plano siyang magnegosyo rito sa bansa. Ikinuwento pa niya ang karanasan sa pagsali niya sa Miss World pageant.

Samantala, bisita rin sa show ang isang ginang na kamakaila’y kinoronahan bilang Carinderia Queen. Bongga si Inay. Master sa kusina, mapagmahal na asawa at maalagang ina sa kanilang mga supling.

Paminsan-minsa’y rumarampa rin siya bilang modelo.

Ngayong buwan ng Oktubre ay nagdaraos ng ika-20 anibersaryo ang Ricky Reyes Learning Institure (RRLI) na ang enrollment ay araw-araw sa mga sangay nito sa Cubao, Quezon City, Quiapo, Maynila, at Alabang City.

Maraming nagtapos ng hair-cutting, styling, at cosmetology sa nasabing paaralan ang ngayo’y sikat na at may sariling parlor. Ang may degree sa hotel and restaurant management at barista ay agad natatanggap sa mga luxury liner at masagana na ang buhay.

Laging panoorin ang GRR TNT, 9:00-10:00 a.m. tuwing Sabado.  Siyempre, basta usapang tungkol sa kagandahan, kalusugan, at kagalingan—si Mader ang tanungin. Handog ito ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …