Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, first choice ni Direk Chito para maging inang tomboy  

101014 sylvia

00 fact sheet reggeeFIRST choice ni Direk Chito Rono si Sylvia Sanchez na gumanap bilang lesbian mother ni John Lloyd Cruz sa pelikulang The Trial dahil nakitaan daw siya ng direktor na siga-siga maglakad at kumilos.

Sabagay, kapag off-cam ay hindi ladylike kumilos ang nanay ni Arjo Atayde, parang one of the boys, sobrang mabilis at maliksi lalo na kapag naglalakad kayo, ang lalaki ng hakbang.

Anyway, kuwento ni Ibyang ay tinanong daw niya si direk Chito kung bakit siya ang napiling gumanap na tomboy sa The Trial.

“Sabi niya, ‘noong panahon daw namin, noong sexy star pa raw ako, sa mga kahilera ko that time, ako raw ang parang tomboy maglakad. Boyish kumbaga kaya noong mabasa niya ang script at nakita niya ang character ng tomboy-mother ni John Lloyd, ako kaagad ang naisip niya,” say ni Ibyang sa amin.

Nagbiro pa nga Ateng Maricris, ”buti na lang hindi ako natuluyang maging tomboy, kung hindi wala akong magagandang mga anak ngayon.”

Hindi nakadalo sa presscon ng The Trial si Sylvia dahil nasa Europe sila ng asawang si Art Atayde na isinama siya para sa meeting kasama ang mga naka-negosyo at the same time ay ‘honeymoon’ na rin nila dahil ilang taon na rin namang busy ang aktres sa Be Careful With My Heart.

Hindi na raw sila masyadong nagkakasamang dalawa lang dahil kapag nasa bahay siya ay siyempre priority niya ang mga anak nila ni Papa Art.

Kuwento nga ni Sylvia, ”tinapos ko lang ang shoot namin ng ‘The Trial’. Ang ganda ng movie, sobra. Nakakaiyak! Advise ko nga sa mga manonood, huwag panyo o tissue paper ang dalhin ninyo ‘pag nanood kayo, tuwalya dapat dahil hahagulgol kayo sa maraming eksena.”

Pero bago naman mag-premiere night ay nakarating na ng Pilipinas sina Ibyang at Papa Art dahil dadalo siya sa premiere night ng The Trial dahil gusto niyang mapanood ito sa unang gabi palang at uulitin niya sa opening day sa Oktubre 15 mula sa Star Cinema.

At tinanong namin kung escort ba ni Ibyang si Papa Art, ”naku hindi, hindi naman ‘yan (Art) sumasama sa showbiz events ko, ayaw niya. Kaya si Vince de Jesus na asawa kong bakla sa pelikula ang escort ko.”

Samantala, malapit na ring magtapos ang Be Careful With My Heart pero hindi naman totally mawawala sa telebisyon si Ibyang dahil may mangilan-ngilang eksena siya sa Pure Love bilang nanay ni Raymund (Arjo Atayde) na naka-confine sa mental hospital.

“Sayang nga, taping ako ng ‘Pure Love’, eh, ito naman ‘yung araw na paalis kami, so hindi na nakunan. Hindi ko alam ano gagawin,” sabi pa ni Ibyang.
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …