Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, balik-ABS-CBN2?

090114 sharon

00 SHOWBIZ ms mNOONG Sabado, isang email ang natanggap namin mula sa TV5 ukol sa pag-alis ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Kapatid Network.

At para matigil na ang bulong-bulungan, isang kompirmasyon ang pinalabas ng TV5.

Anang official statement ng estasyon,  ”TV5 wishes to extend its gratitude to Ms. Sharon Cuneta for being part of the Kapatid Network for almost three years. The network wishes her well in all her future endeavors.”

Bago pa ang statement, nauna nang naglabas ng pahayag si Sharon sa kanyang Facebook at  Twitter account. Ito ay ang, “Sharon Cuneta is no longer with TV5.”

Walang inilagay na rason o anuman si Sharon kung bakit umalis na siya sa naturang network. Maliban sa , “I am going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think!

“So keep watching out for those clues.

“Good night everyone! Sweet dreams and May God bless you always!

“In the meantime, I leave you with this BIG announcement.”

Isa kaya sa matinding pag-iisip noon ni Sharon ay ukol sa kanyang career sa TV5? Aminin man o hindi, hindi naging maganda ang naging paglipat niya dahil sa tatlong show niya simula nang lumipat siya noong November 2011, ay hindi nag-rate. Ang mga show na tinutukoy namin ay ang Sharon: Kasama Mo, Kapatid, ang teleseryeng Madam Chairman, at ang weekly musical program na The Mega and the Songwriter.

Napag-alaman naming limang taon pala ang pinirmahang kontrata ni Sharon sa TV5 kaya may dalawang taon pa sana siyang bubunuin. Pero hindi na nahintay ni Sharon na matapos ang kontrata.

Sa pag-alis ni Sharon sa TV5, marami ang nagtatanong sa atin kung babalik kaya siya sa ABS-CBN2?

Well, abangan po natin.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …