Ani Marissa, personal choice niya ang mga awiting nakapaloob sa album (10 tracks) dahil nalaman niyang marami ang may gusto sa malulungkot o mellow music. Si Pinky Amador daw ang isa sa naka-inspired sa kanya para gumawa ng ganitong klase ng album.
Ukol naman sa usaping posibleng manibago ang mga tagahanga o audience ni Marissa dahil sa tema ng kanyang album, sinabi niyang “hindi po kasi sa live roon ako bumabawi, kumbaga sa album lang hindi. Para nga lang sa maiiwan ko itong album na ito, life is so short ‘di mo masasabi, may anak ako.”
Sinabi pa ni Marissa na, ”Hindi porke biritera ka magaling ka na. Puwede ka rin palang maging magaling kahit hindi ka bumibirit. Napapagod na ako sa show ko dahil birit lang ako ng birit. It’s important na hindi mo lang ipakikita na magaling ka, importante na maihatid mo ang message ng song. This album, I’m more of the lyrics… hindi ‘yung para patunayan na magaling akong singer.”
Iginiit pa ni Marissa na, ”dugo, pawis, pera, at pangmomolestiya sa mga kaibigan ang naging puhunan ko to make this album possible.” Kaya naman mismong si Marissa ang personal na nagbebenta ng kanyang CD bukod sa ito’y available na sa mga record bars.
“Nagpupunta ako sa city hall, kahit sa mga coffee shop, nagdadala rin ako. Like one time, I was with Ogie Diaz, we went to this coffee shop along Quezon Ave., mayroon lang nagpa-picture sa amin, nilambing ko lang, aba bumili ng 10 copies and another 10 copies sa isang table roon. Tuwang-tuwa ako.”
Ani Marissa, hindi siya nahihiyang ibenta ang kanyang album. ”Ay hindi ako nahihiya dahil sobra akong proud sa album kong ito. Kaya binabraso ko ang mga friend ko to buy, tapos ‘pag narinig na nila, they will ask kung mayroon pa, dahil kumukuha sila ng maraming kopya para ipamigay sa mga friend, tapos ito namang ibang friend na binigyan, nagtatanong din kung paano makabili ng ilang copies to give it out to their friends.
“So, ang nangyayari, parang networking na. Wala silang kinikita, pero ‘yung act of sharing the good news about the album, ‘yun na ‘yong nage-gain nila. Sobra nga akong happy to know from them na they like all the cuts in the album. Wala raw tapon. Sulit ang 200 nila.”
Na siya namang totoo dahil magaganda talaga ang mga 10 kantang nakapaloob sa album. Kasama rito ang Eighteen na siya mismo ang nagsulat at alay niya para sa tatlong taong gulang na anak na si Iana. ”It’s about the love of a mom to her daughter who turns 19 na ang wish lang niya ay hindi na ma-experience ng anak ang mga na-commit niyang mistakes during her teenage life. Puwedeng gawing background music sa debut party.”
Kasama rin sa album ang mga awiting Panghabangbuhay, Pag-Ibig Ko’y Pansinin, Dindi, atSometimes. Parang original naman ang dating ng covers na You And Me Against The World (na kasali pa ang boses ng kanyang anak na si Iana), Kailan Sasabihing Mahal Kita na pinasikat niSharon Cuneta, Help Me Forget ni Kuh Ledesma, It Takes Too Long, at Sunlight.
Idinagdag pa ni Marissa na malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigang sina Elmer Blancaflor(ang kanyang musical director) at ang asawa nitong si Vivian na tumulong sa kanya para mabuo ang album na ito.
Ang grupo ring ito ang nagsanib-puwersa para sa pre-birthday concert ni Marissa sa October 29, 7:00 p.m. sa Area 05 (dating Ratsky, Morato) entitled. I Laff U. ”It’s a one-woman show with surprise guests at siyempre, nakatatawa rin ito, kasi nga, I will sing for you ‘coz I laff you!”
ni Maricris Valdez Nicasio