Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash at Alexa, magbabalik sa Wansapanataym

082914 nash alexa

00 fact sheet reggeeNAIINIP na ang fans nina Nash Aguas at Alexa Ilacad kung kailan ie-ere ang Inday Bote?

Matagal na kasing nasulat na ang dalawang teenstars ng ABS-CBN ang gaganap sa remake ng pelikula nina Maricel Soriano at  William Martinez kasama si Richard Gomez na ipinalabas noong 1985 mula sa direksiyon ni Luciano B. Carlos for Regal Films.

Naunahan pa raw sina Nash at Alexa ng ibang loveteam na i-remake ang mga dating programa.

Siguro ay nakarating sa management ng Dos ang hinaing ng fans kaya muling ibinalik sina Nash at Alexa sa  Wansapanataym  na mapapanood na sa Sabado at Linggo (Agosto 30 at 31) para sa bagong month-long special na pinamagatang Perfecto.

Makakasama nina Nash at Alexa ang sumisikat na boy group ng ASAP 19 na Gimme 5.

Ang kuwento ng Perfecto ay gagampanan ni Nash ang karakter ni Perry, isang binatilyong walang ibang hangarin kundi ang maging perpekto para sa kanyang ina at sa kanyang hinahangaan na si Kylie (Alexa). Dahil sa kanyang mga kahinaan, determinado si Perry na gawin ang lahat ng paraan para maabot ang kanyang pangarap.

Ano ang kayang isakripisyo ni Perry kapalit ng hinahangad niyang perpektong buhay? Ano ang mga pagdadaanan niya upang matutunan na mas mahalaga ang kagandahan ng kanyang kalooban kaysa sa lahat ng karangyaan?

Bahagi rin ng Perfecto sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grae Fernandez mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Onat Diaz handog naman ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na  Wansapanataym  na longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …