Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu at Coco Martin, malakas ang chemistry (Poso at ulanan scene, nag-trending worldwide)

081914 kim coco

00 fact sheet reggeeSA tagal na naming napapanood sina Kim Chiu at Coco Martin ay napansin naming bagay silang loveteam at may chemistry na talaga lalo na kapag may kilig-kiligan ang mga eksena nila sa seryeng Ikaw Lamang.

Iisa ang sabi ng mga nakakapanood na hindi kaya ma-develop na sila sa isa’t isa dahil malakas daw ang tendency na ma-fall si Kim sa binata lalo’t asikaso siyang mabuti sa set? Eh, ‘di ba ang mga babae, vulnerable?

Samantala, sa ilang gabi naming panonood maski na masama ang pakiramdam, nabasa naming nag-trending worldwide ang eksenang poso at sa ulanan na kakaaliw silang panoorin.

Good thing daw hindi na masyadong mabigat ang mga eksena ng Ikaw Lamang kompara sa unang yugto na talagang ililipat mo sa ibang channel.

Sa kabilang banda, ang mga nakaaaliw na eksena nina Gabriel (Coco) at Jacqueline (Kim) ay tiyak na magkakaroon ng problema kapag nabuking na sila ni Natalia (KC Concepcion).

Pero huwag kalimutan na malapit nang matupad ni Gabriel ang paghihiganti sa mga taong nagkasala sa kanya.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …