Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, ibinuking na nagde-date sila ni Sam

082314 sam shaina

00 fact sheet reggeeNAPANGITI lang daw si Sam Milby sa pag-amin ni Shaina Magdayao na lumalabas sila kasama ang non-showbiz friends at sa tanong kung nanliligaw ang aktor sa dalaga ay nagsabing, “si Sam na lang tanungin ninyo.”

Kaya naman nang tanungin ang leading man nina Anne Curtis at Cristine Reyes sa pelikulang The Gifted na ipalalabas na sa Setyembre 3 ay ngumiti lang daw.

Ayon kay Sam nang makatsikahan siya nang mag-renew ng dalawang taong kontrata sa Star Magic ay mas naging maganda na ang relasyon nila ngayon ni Shaina dahil mas nakakapag-usap na sila kompara noon.

Naging close raw sina Sam at Shaina ng magkaroon sila ng Europe Tour kasama si Rayver Cruz na ex-boyfriend ng aktres at iba pang artista ng Star Magic.

Pero sa tanong kung itutuloy pa ni Sam ang panliligaw niya kay Shaina na naudlot dati dahil kay Piolo Pascual na binakuran ang dalaga ay hindi na nagbigay ng pahayag pa ang aktor.

Ito rin ang sinabi niya nang makatsikahan siya sa presscon ng The Gifted na kung sinuman ang liligawan niya ay hindi na niya muna ipaaalam dahil baka hindi matuloy, gusto ni Sam na maging private ang kanyang love life.

Weeeh, ‘di nga Sam? Hindi puwedeng hindi namin malaman ‘no, ayaw ng fans!

As of now ay nag-e-enjoy ang aktor kapag lumalabas sila nina Shaina at ibang group of friends.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …