Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Concert ni Daniel sa Subic, ‘di totoong nag-flop (Concert sa Batangas Coliseum, sa Sept. 13 na!)

082314 daniel padilla

00 fact sheet reggeeMAY nag-text sa amin na super flop daw ang concert ni Daniel Padilla sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.

Nabanggit din sa amin na ipinamigay daw ang tickets para lang magkaroon ng maraming tao para hindi halatang lugi.

Nakabasa rin kami sa social media tungkol dito, pero hindi kami naniniwala kasi nai-produce na namin si Daniel kasama sina Kathryn Bernardo at Khalil Ramos na talagang apaw ang tao.

Nadala na rin namin si Daniel sa Butuan City na ipinodyus naman ni Ms Mary Ann Adiong in cooperation with the Tourism council ng nasabing probinsiya ay talagang kulang ang venue at nagwawala talaga ang mga bagets.

Nagtanong kami sa taga-Star Magic tungkol dito at si Karla Estrada na ina ng batang aktor ang tinanong namin dahil booking daw niya ito.

Say naman ni Karla, hindi totoo at ang producer ng show na lang daw ang kausapin namin para mas klaro.

Kaya tinext namin ang producer na si Moises Manio na kaagad namang sumagot tungkol sa sinasabing flop ang ipinodyus niyang show.

“Hi po kapatid, hindi po ito totoo. Maganda po ang turn about ng sales hindi man po punompuno, na-meet naman po namin ang expected sales namin na talagang kumita ng bongga.

“Kaya patuloy pa rin naming ipagpo-produce ang team Daniel Padilla concert sa darating na Setyembre 13 sa Batangas Coliseum naman for sure na pupunuin ng Teen King. Salamat po.”

Daniel Padilla Road Tour 2014 ang titulo ng show ng batang aktor at special guests niya sina Kathryn, JC Padilla, Alex Diaz, at Marco Gumabao.

Pawang kilala naman ang guests bukod pa sa kasama si Kathryn kaya imposibleng mag-flop ito Ateng Maricris. Kung hindi na-sold out ang tickets ay tiyak na bumawi naman sa sponsors ang producer dahil ilan ba ang ini-endosong produkto ng KathNiel?

Anyway, sa supporters ng KathNiel sa Batangas, abangan ninyo sila sa Setyembre 13 sa Batangas Coliseum.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …