NATUWA kami sa alaga ng katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan dahil kasama siya bilang isa sa interpreter ng Himig Handog P-Pop Love Songs na gaganapin sa SM MOA Arena sa Setyembre 28.
Ang kakantahin ni Michael ay ang Pare, Mahal Mo Raw Ako na isinulat ni Joven Tan.
Bukod dito ay co-host na rin si Michael ni DJ Chacha sa MOR 101.9 tuwing Martes, 9-12:00 ng gabi kaya naman masaya ang bagitong mang-aawit sa magagandang nangyayari sa singing career niya at talagang marami na kaagad siyang followers sa nabanggit na programa.
Hindi naman itinago ni Michael na bukod sa pagiging mang-aawit ay gusto rin niyang umarte sa harap ng kamera, pero ang payo naman sa kanya ng katotong Jobert ay mag-concentrate muna siya bilang singer.
As of now ay loveless si Michael dahil mas gusto raw muna niyang i-priority ang career lalo’t bata pa naman siya, “love can wait” aniya.
ni Reggee Bonoan