Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangako Sa ‘Yo, original na dapat kina Enrique at Liza

081914 kath daniel enrique liza

00 fact sheet reggeeSINA Enrique Gil at Liza Soberano pala ang dapat na bida sa remake ng Pangako Sa ‘Yo, pero sa hindi malamang dahilan ay napunta kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ito ang tsika sa amin ng TV executive na nakausap namin kamakailan kaya nagulat daw siya nang mabasa na ang KathNiel na ang gaganap sa programang nagpasikat nang husto kina Echo at Kristine.

Nabanggit pa ng aming kausap na TV executive na baka raw naisip ng management na ibigay na lang kina Daniel at Kathryn kasi kumita nang husto ang She’s Dating The Gangster at bilang follow-up na rin sa serye nilang Got To Believe In Magic.

Pero huwag naman daw malulungkot ang fans nina Enrique at Liza dahil maganda rin ang kapalit ng Pangako Sa ‘Yo, ang movie nina Kristine at Jericho na Forevermore na kumita rin nang husto noong 2002.

“May look test nga today (Martes) para sa additional cast ng ‘Forevermore’,” say ng kausap namin.

Dagdag pa, “matatagalan pa ang ‘Pangako Sa ‘Yo’ nina Daniel at Kathryn kasi marami pang inaayos at busy pa ‘yung dalawa. Next year na ‘yun.”

Natawa naman kami sa reaksyon ng isa sa publicist ng GMA-7, “ganoon, kaloka, ano kaya ang itatapat ng GMA sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ at ‘Forevermore’? Lagot na naman.”

Aliw ‘di ba kasi aminado rin naman pala ang mga tagapagtanggol ng GMA na hindi nila kayang tapatan ang mga sikat na youngstars ng ABS-CBN.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …