Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris at Derek, magkasabay umalis ng bansa

081814 Derek Ramsay kris

00 fact sheet reggeeMULA Agosto 14- 22 dapat ang bakasyon si Kris Aquino sa New York dahil manonood siya ng concert nina Eminem at Rihanna.

Akala nga namin ay iko-cover pa ito ng Kris TV dahil nasanay na kami kay Kris na sa tuwing aalis ng bansa ay bitbit ang crew ng nasabing programa.

Pero ayon sa taga-Dos, personal na lakad daw ito ng Queen of All Media dahil nga gusto niyang magkabakasyon.

Nabigyan pa nga ng kulay dahil nakitang paalis din ng bansa si Derek Ramsay sa parehong oras din ng alis ni Kris, sa Canada naman ang tungo ng hunk actor.

Pero ang walong araw na bakasyon ni Kris ay naging limang araw na lang dahil kinailangan niyang umuwi agad dahil ang co-host niyang si Boy Abunda sa Aquino & Abunda Tonight ay hindi pa makapapasok dahil kailangang magpahinga ng ilang linggo.

Say ni Kris, “I was able to communicate with Bong (Quintana), Boy Abunda’s life partner, my boss tita Cory Vidanes & my Business Unit Head Lui Andrada—Boy will still need a couple more weeks to fully recover & I VOLUNTEERED to fly home the morning after I get to watch Eminem’s concert.”

Dagdag pa na hindi lubos na magiging masaya ang bakasyon ni Kris kung nasa ospital naman ang kaibigang si Boy.

Say ng TV host, “Boy is my BEST FRIEND, my manager, my mentor & my support system. Hindi ko kayang mag-enjoy ng vacation knowing that he’ll be stressed if neither 1 of us is on ‘Aquino & Abunda’.

“We’ve worked together cumulatively for 16 years & it has worked because of our shared passion to be the best & to give our loyal Kapamilya audience consistently good, factual, responsible & fun talk experiences.

“I like to believe we bring out the best in each other, kaya on Tue, Aug 19 LIVE, straight from the airport, on A&A. I will have many more vacation opportunities in the future, but for now I need to prove to Boy my priority is for his full recovery w/ as little work related stress as possible!”

Timing naman din dahil babalik din ng bansa si Derek ng Agosto 19 dahil kinailangan niyang maghanda para sa hearing niya kinabukasan (Agosto 20) sa kasong isinampa sa kanya ng asawa na gaganapin sa Makati Regional Trial Court.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …